Richard Gutierrez at Anne Curtis, Sweet na Sweet sa Amerika! *new*

Malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang ‘In Your Eyes’ ng GMA Films at Viva Films. Ito ang magsisilbing comeback movie ng Optimum Star na si Claudine Barretto pagkaraan ng ilang taong pamamahinga sa paggawa ng pelikula. Ito rin ang unang pelikula nina Richard Gutierrez at Anne Curtis bilang magka-loveteam.

Kamakailan lang ay nag-shoot ang cast and crew ng nasabing pelikula sa Amerika. Ito nga’t naispatan pa ng kaparazzi natin sina Richard at Anne sa Beverly Hills, California. Matatandaang nasangkot sa isang kissing video ang dalawa ilang taon na rin ang nakararaan.

Ngayon na nagsama muli ang dating mag-jowa sa isang pelikula, may posibilidad naman kaya na maging sila ulit? Check n’yo na lang ang mga larawang nasa pahinang ito at kayo na ang humusga.

Photos by Mandrell Macapagal

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articlePatalbugan ng mga Bidang Kapuso!
Next articleGrand Inauguration ni P-Noy, Sinabayan ng Grand Exit ni Kris! *new*

No posts to display