RICH IN LOVE: Gerald Anderson niregaluhan si Julia Barretto ng Rolex watch

HABANG tumatagal ay lalong tumatatag ang relasyon ng controversial couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto. To further celebrate their love for each other ay isang mamahaling regalo ang ibinigay ni Gerald kay Julia, na talaga namang mapapa-sana all ang lahat ng makakakita!

RICH IN LOVE: Gerald Anderson niregaluhan si Julia Barretto ng Rolex watch
Julia Barretto receives a Rolex watch from Gerald Anderson on Christmas 2021

Noong January 9 ay pinost ni Marjorie Barretto ang kanilang family Christmas Eve celebration vlog kung saan maiispatan natin si Gerald na sweet sa kanyang prinsesa. Dito ay makikita natin na nagulat si Julia dahil sa napakamahal na regalo ng kanyang boyfriend sa kanya. Isang Rolex watch lang naman ito! Kahit na galing sa prominenteng showbiz family si Julia ay binanggit nito na ito ang kanyang kauna-unahang Rolex watch kaya siguradong very special para sa kanya ang regalong ito.

Samantala, nakakaaliw pagmasdan kung gaano ka-close at ka-comfortable si Gerald sa piling ng pamilya ni Julia, na para sa amin ay napakalaking factor lalo na kung ang iisipin na natin ay ang posibilidad na sila talaga ang nakatadhanang ikasal balang araw.

Nagsulat naman ng isang sweet message si Julia para kay Gerald:

“You’re still life’s greatest gift of all — my best friend, my number one, my home. I will forever find comfort in your arms,” ani Julia. “Even when I’m 75, I will still need you most. I love you more than you can ever imagine.”

Hay… sana all talaga ay rich in love!