Ria Atayde, threat sa ibang Kapamilya teen actress

Ria-Atayde


SUMABAK NA
rin ang magandang anak ng award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez na si Ria Atayde, ang pag-arte via Ningning, kung saan ginagampanan nito ang isang guro.
At kahit nga baguhan ito sa mundo ng pag-arte, nagpakita kaagad ito ng galing na marahil ay nakuha nito sa galing sa pag-arte ng kanyang Mommy Sylvia, kaya naman malaking threat ito sa iba pang Kapamilya stars.
At bago pinasok ni Ria ang pag-aartista, tinapos muna nito ang pag-aaral kung saan kumuha ito ng Comm Arts sa La Salle. Hindi nga raw ginamit ni Ria ang kanyang ina para mapadali ang pag-aartista dahil dumaan ito sa audition para magkaproyekto.
Nag audition nga raw ito sa Dream Dad noon, pero hindi nakuha at nag-audition din ito at umabot ng stage 5 sa PBB 737 at nagpaubaya raw ito sa iba, dahil feeling niya mas kailangan nitong mas makapasok dahil breadwinner. Naalala raw nito ang pinagdaanan noon ng kanyang Mommy Sylvia na isa ring breadwinner nang magsimulang mag-artista.
At kahit nga nalungkot ito sa hindi pagkapasok sa Bahay ni Kuya, naging masaya naman dahil nakapasok siya sa Ningning, kung saan marami ang nakapansin sa galing niyang umarte at sa angking ganda.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleKim Rodriguez, mommy, at manager, solid na solid sa AlDub
Next articleKatrina Halili, ‘di na naghahanap ng boyfriend

No posts to display