Ria Atayde, slow but sure ang diskarte sa kanyang showbiz career

ADVERTISING

Ria Atayde, slow but sure ang diskarte sa kanyang showbiz career

Ria Atayde With RK Bagatsing
Ria Atayde With RK Bagatsing

Slow but sure naman ang diskarte sa showbiz career ng anak-anakan namin na si Ria Atayde. Dahan-dahan ay nagkakaroon ng katuparan ang pangarap niya sa mundong pinasok na kabaliktaran sa una niyang plano na maging isang TV journalist tulad ng mga iniidolo niyang sina Diane Sawyer at Christiane Amanpur ng CNN na kaliwa’t kanan ang adventure na pinapasok to get their story.

Pero dahil sa nakikita niya sa inang si Sylvia Sanchez at kuya Arjo Atayde niya na pawang mga magagaling na artista sa liga nila, malaki ang naging impluwensya kay Ria Atayde na nag-iba na yata totally ang career path.

Just like her mom and big brother, nagkakaroon naman ng positive feedback ang mga ginagawa niya mula nang pasukin niya ang mundo ng showbiz.

With a career na kinaiinggitan ng ilan dahil sa maganda ang panimula ng dalaga sa morning serye na pampa-good vibes na “Ningning” where she played sa role of Titser Hope, nagtuluy-tuloy na ang swerte for Ria.

ADVERTISING

Nandyan ang “MMK” guesting niya kamakailan at sa ika-100 episode ng “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado, pagkatapos ng noontime show na “It’s Showtime”, kasama ang aktor na si RK Bagatsing (as Baldo) na isang deafmute na suspect sa panggagahasa kay Karen Reyes.

For now, ini-enjoy lang ni Ria ang estado niya sa showbiz at hindi naman siya nagmamadali tulad sa nangyari sa ina na si Ibyang (Sylvia) that took her almost 27 years bago dumating ang biggest break niya sa telebisyon with a new drama-serye na “The Greatest Love” na inaabangan na ng publiko after ilabas ang trailer ng serye. Ganito rin marahil ang gusto ni Ria na kung para sa iyo ay darating na lang ito nang kusa basta aalagaan mo lang at huwag pababayaan.

Pangarap ni Ria bilang isang artista ay makasama sa “MMK” ang inang si Sylvia at kapatid na si Arjo na tunay nga naman na isang casting coup ‘pag nagkaroon ng katuparan.

Sa ngayon, abala ang dalaga, bukod sa kanyang pag-arte at pagiging PR girl ng ilang products, sa bagong business venture na sisimulan niyaw ith his brothe Arjo. Mensahe ni Ria sa amin, “We started a trading company po. Super new. Still working on our papers right now. And aside from that po, ‘yung Axe event ni Arjo po, inayos din po namin,” mensahe ni Ria sa amin.

Sa murang edad, Ria is very confident and smart. Mana sa amang negosyante na si Papa Art Atayde pagdating sa negosyo at sa ina na si Sylvia pagdating naman sa pag-arte.

No wonder impressed si Kuya Boy Abunda sa dalaga nang mag-guest ito sa late evening show ng celebrity host na “Tonight with Boy Abunda” na napanonood bago mag-“Bandila”.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING