Ria Atayde, nape-pressure ‘pag ikinukumpara sa inang si Sylvia Sanchez

Ria Atayde, nape-pressure ‘pag ikinukumpara sa inang si Sylvia Sanchez

Ria Atayde
Ria Atayde

Hindi maiwasang ma-pressure ang Kapamilya teen actress na si Ria Atayde, everytime na mababanggit sa kanya ang kahusayahang umarte ng kanyang award-winning mom na si Ms. Sylvia Sanchez.
Katulad nga ng kanyang inang si Ms. Sylvia Sanchez, kinakitaan din ng husay sa pag-arte si Ria at ayon nga dalaga, ang kanyang ina nga raw ang kanyang inspirasyon para mas paghusayan pa ang kanyang pagganap sa lahat ng proyektong ibigigay sa kanya ng ABS-CBN.
Bitbit bitbit nga ni Ria Atayde ang payo ng kanyang ever supportive mom sa pagpasok nito sa showbiz na pinayagan lang ng kanyang parents after grumaduate ng college. Plus factor pa ang angking ganda nito na pang-leading lady ang dating.
Isa nga raw sa wish ni Ria ang makatrabaho ang kanyang ina sa isang proyektong drama na halos karamihan ng eksena ay sila ang magkasama.

Samantala, maganda ang naging feed back sa kauna-unahang pagbibida sa ni Ria sa “MMK” kasama sina Matt Evans at Joseph Marco.
Marami nga sa mga nakapanood ang nagsabing very-promising si Ria, dahil bukod sa angking ganda ay may lalim pang umarte na marahil ay namana nito sa kanyang ina.
Ito nga raw ang magiging tagapagmana ni Ms. Sylvia sakaling magdedesisyon na itong magretiro sa pag-arte. Mabigyan nga lang daw ito ng magandang proyekto ay pihadong mas sisipa ang career nito at mapapahanay sa mahuhusay na teen actress ng Kapamilya Network like Liza Soberano, Nadine Lustre, Maja Salvador, Bea Alonzo, Kathryn Bernardo, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla