Ria Atayde, masaya sa nomination sa Star Awards for TV

ADVERTISING

Ria Atayde, masaya sa nomination sa Star Awards for TV

Ria Atayde
Ria Atayde

Nagpahayag ng kagalakan si Ria Atayde sa nakuha niyang nominasyon sa 30th PMPC Star Awards for TV. Actually, itinuturing niyang extra espesyal ito dahil tatlo silang mag-iina – siya, si Ms. Sylvia Sanchez, at Arjo Atayde ang pare-parehong nominado this year. Ang naturang award’s night ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ay gaganapin sa October 23, 2016 sa Monet Grand Ballroom, Novotel Hotel.

“Nakatataba po ng puso na ma-nominate sa PMPC Star Awards. Nakakikilig, kasi even just the nomination is such an honor already. To be recognized for something I worked hard on is a very nice feeling. Super nagpapasalamat din po ako sa PMPC sa pagpansin at na-nominate,” esplika ng aktres.

Masasabi mo bang extra special itong nominasyon ninyo sa PMPC dahil tatlo kayong nominated dito? “Masasabi kong super special ito, tito, kasi finally kaming tatlo na ang nominated,” masayang saad pa ng magandang anak ni Ms. Sylvia.

Ang nominasyon ni Ria ay para sa “Maalaala Mo Kaya” sa episode na ‘Puno Ng Mangga’. Sa naturang episode, gumanap siya rito bilang si Fe, ang babaeng minahal at pinag-agawan ng magkapatid na sina Samson at Jeremiah played by Matt Evans at Joseph Marco.

ADVERTISING

Nominado si Ria para sa kategoryang Best New Female TV Personality at kasama niya rito sina Ayra Mariano (Poor Señorita, GMA 7) Dawn Chang (MMK-Kuweba, ABS-CBN 2) Kira Balinger (The Story Of Us, ABS-CBN 2) Miho Nashida (It’s Showtime, ABS-CBN 2) Yaki Saito (Parang Normal Activity, TV 5) Ylona Garcia (On The Wings Of Love, ABS-CBN 2) Ysabel Ortega (Born For You, ABS-CBN 2).

Nabanggit pa ng aktres na hanga siya sa kanyang mommy at Kuya Arjo sa galing nila bilang mga artista at wish niyang maging ganoon din siya someday.

Si Arjo ay nominated naman sa Best Drama Supporting Actor para “FPJ’s Ang Probinsyano” ng ABS-CBN. Co-nominees niya rito sina Albert Martinez (FPJ’s Ang Probinsyano), Aaron Villaflor (All of Me), Carlo Aquino (We Will Survive), Eddie Garcia (FPJ’s Ang Probinsyano), Matteo Guidicelli (Dolce Amore) na lahat mula ABS-CBN, at Christopher de Leon (Beautiful Strangers) ng GMA 7.

Ang bida naman sa “The Greatest Love” na si Ms. Sylvia ay nominadong Best Drama Supporting Actress para sa “Ningning” ng ABS-CBN. Kasama niyang nominess sina Carmina Villaroel (Doble Kara, ABS-CBN), Cherie Gil (Dolce Amore, ABS-CBN), Manilyn Reynes (Destiny Rose, GMA 7), Snooky Serna (My Faithful Husband, GMA 7), Sunshine Cruz (Dolce Amore, ABS-CBN), Sunshine Dizon (Little Nanay, GMA 7), at Ms. Susan Roces (FPJ’s Ang Probinsyano, ABS-CBN).

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING