Ria Atayde, daig ang ibang Kapamilya stars sa sunud-sunod na proyekto

ADVERTISING

Ria Atayde, daig ang ibang Kapamilya stars sa sunud-sunod na proyekto

Ria Atayde
Ria Atayde

Simula nang pumasok sa pag aartista si Ria Atayde, ang beautiful daughter ng award-winning actress na si Ms Sylvia Sanchez, nagkasunud-sunod na ang proyektong ginagawa nito.
At ngayon nga at may mga proyekto na itong gagawin sa Kapamilya Network, kaya naman daw masayang-masaya si Ria Atayde.
Ayaw pa nga raw nitong idetalye ang proyektong gagawin niya hangga’t hindi pa gumigiling ang kamera, dahil baka maudlot. Kapag nakapag-taping na raw siya ay tsaka nito ikukuwento.
“Tsaka mo na sasabihin, tito, kapag sure na sure na, kapag nag-start na kaming mag-taping. Mahirap kasing magkuwento kapag hindi ka pa nagti-taping, baka maudlot, nakakahiya.
“Ask mo na lang si Mommy (Sylvia Sanchez) about mga projects, alam ni Mommy ‘yan.
“Basta happy ako sa career ko and sana mas dumami pa ang projects ko,” pagtatapos ni Ria.

 

Marika Sasaki
Marika Sasaki

Marika Sasaki, excited sa first teleserye sa GMA 7

MAGSISIMULA NANG mapanood ang pinakabagong serye ng Kapuso Network, ang “Magkaibang Mundo” sa May 23, after “Eat… Bulaga!”, kung saan kasama ang very talented na Japanese-Pinay singer actress na si Marika Sasaki.
Gagampanan daw ni Marika ang role ni Mafy, close friend ng lead actress dito na ginagampanan ni Louise Delos Reyes.
Ito raw ang magsisilbing kauna-unahang teleserye ni Marika sa Kapuso Network, kaya naman daw sobrang excited siya. Dream come true nga raw para kay Marika ang pagkakakasama sa “Magkaibang Mundo” dahil matagal-tagal na rin niyang pangarap na magkaroon ng serye.
Bukod nga sa pag-arte, magaling ding umawit si Marika, kung saan siya ang umawit ng theme song (Love Will Lead You Back) ng isang Koreanovela na napanonood sa GMA 7.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING