Ria Atayde, bida sa “MMK” episode ngayong Sabado

Ria Atayde, bida sa "MMK" episode ngayong Sabado

Ria Atayde
Ria Atayde

Halos wala pang isang taon ang pananatili niya sa showbiz, ang dalagang anak ng kaibigang Sylvia Sanchez na si Ria Atayde ay may “MMK” project na.

Hindi lahat ng mga baguhan sa industriya ay nabibigyan ng pagkakataon na mapasama sa isang episode ng widely views drama anthology ng Kapamilya Network.

Sa dinami-rami ng mga artitang babae sa ABS-CBN, suwerte ni Ria dahil siya ang napansin para makuha niya ang naturang role na susubok sa kakayahan niya sa pag-arte.

Oo nga’t anak siya ng aktres na si Sylvia Sanchez at nakababatang kapatid ng aktor na si Arjo Atayde, hindi ibig sabihin that Ria pulled some strings para mapasakanya ang naturang role na sa darating na Saturday ay mapanonood natin.

Yes, after her strong presence sa pang-umagang serye noon na “Ningning”, kung saan sa pampa-good vibes na morning show ng Kapamilya Network ipinakilala ang dalaga as Titser Hope, halos sunud-sunod na ang mga magagandang kaganapan sa showbiz career ng dalaga.

Kaya nga nang i-offer kay Ria Atayde ang role sa “MMK” as the subject of love nina Joseph Marco at Matt Evans (tipong love triangle yata ang kuwento na ayaw pang i-reveal ng dalaga sa amin nang kulitin namin siya sa kanyang IG account this morning), laking tuwa ng dalaga dahil nagkabunga rin pala ang pagtitiyaga niya at pagsusumikap na pagandahin ang kanyang craft bilang artista.

Kasi naman, pagkatapos ng kanyang unang teleserye sa telebisyon na “Ningning”, hindi huminto ang dalaga sa kanyang pagnanais na galingan at matuto sa pag-arte, kaya sa panahon ng paghihinay niya ng mga projects, walang ginawa si Ria kundi ang dumalo sa mga acting workshops na ibinibigay ng Star Magic, reason why nang makitaan siya ng brilyo sa pag-arte kahit baguhan pa lang, hindi nagdalawang-isip ang “MMK” creative staffs na isama siya sa cast ng “MMK sa darating na Sabado.

Good luck, Ria and more power!

Reyted K
By RK VillaCorta