Rhian Ramos, sobrang na-stress sa ‘video scandal’ ni DJ Mo Twister!

NAKAKALOKA NAMAN iyan! Magpa-Pasko na lang, ang papangit pa ng mga isyung napag-uusapan.

Medyo humupa sandali ang isyung break-up nina Piolo Pascual at KC Concepcion, sumabog naman itong abortion isyu ni Rhian Ramos na sinimulan naman ni DJ Mo Twister.

Aabot na ngayon sa demandahan dahil naglabas ng statement ang GMA-7 na magsasampa sila ng kaso laban kay DJ Mo dahil dinamay raw ito ang network sa lumabas na video nito.

Nakausap ko si DJ Mo nu’ng nakaraang linggo lang na ang buong akala ko ay paalis na siya nu’n. Wala na nga raw siyang gaanong gamit na naiwan dahil lahat ay naibenta na niya at ang mga damit nito ay pinadala na sa Amerika. Pero nandito pa rin siya ngayon at lalo pang lumaki ang isyu nila ni Rhian.

Kung umalis na siya nu’n, baka nanahimik na ito at namatay na lang kusa dahil hindi naman nagsasalita si Rhian.

Nag-tweet pa raw si DJ Mo nu’ng Biyernes na magsasalita pa siya sa Paparazzi, pero hindi na yata ito natuloy. Ewan ko lang kung natakot na siya sa nakaambang demanda ng GMA-7, kaya hindi na ito lumabas.

Sobrang stress naman ngayon si Rhian, pero tuloy pa rin siya sa pagtatrabaho. Wala siya sa Manny, Many Prizes nu’ng nakaraang Sabado, pero nasa taping naman ito ng My Beloved.

Ang tsismis tuloy, baka tanggal na raw siya sa MMP. Pero sabi naman ng mga staff, semi-regular na lang ito dahil may conflict sa My Beloved niya.

Ang daming nagtatanong tuloy kung malalagpasan ba ni Rhian ang isyung ito. Tingnan na lang natin dahil tahimik lang naman ito. Ewan ko kung matutuloy ang demandahan.

Ang latest lang na narinig ko, maraming nagalit kay DJ Mo dahil naniniwala silang aware naman ito sa pagkalat ng video niya. Kahit itinatanggi niya ito, marami pa rin ang naniniwalang nanggaling din sa kanya ang pagkakalat  ng naturang video.

HINDI PA rin tapos itong isyu ng kasong pagpatay kay Ramgen Revilla dahil lumabas na si Janelle Manahan. At sa mga pahayag nito, medyo kuwestiyunable na ang kredibilidad ng mga kapatid ni Ramgen, lalo na si Ramona na tumakas naman.

Ayaw nang magsalita ni Sen. Bong Revilla tungkol dito dahil mas gusto na lang niyang mag-focus sa promo ng Panday 2 niya. In fairness naman kasi, sobrang ganda ng trailer nito at maeenganyo ka talagang manood.

Kaya sabi na lang ni Bong, hinaharap naman nila ang pinagdaanan ng pamilya. Okay naman daw ang Daddy nila, pero ayaw na lang daw talaga nila itong pag-usapan dahil hindi na maganda.

Ayaw rin niya siyempre na maakusahang ginagamit ang isyu para mapag-usapan kaya huwag na lang, ‘di ba? Ang Panday 2 na lang daw na magsu-showing na sa December 25. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleAyaw makasama ni Piolo Pascual sa stage KC Concepcion, nag-iiyak sa banyo
Next articleSa pagkakadawit sa hiwalayang Piolo at KC… Carmina, nagtaray!

No posts to display