Rhian Ramos, pinag-aawayan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes – Morly Alinio

Rhian Ramos, pinag-aawayan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes - Morly Alinio

Rhian Ramos, pinag-aawayan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes - Morly AlinioMUKHANG HINDI NA promo ng Stairway to Heaven ang closeness nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos. May nakarating sa aming balita na napapadalas daw ang pag-aaway nina Dingdong at Marian dahil kay Rhian.

“Kahit sinong babae, mai-in love kay Dingdong. Kapag magkasama kasi, bukod sa generous si Dingdong ay masyado pa siyang ma-care kaya hindi malayong mahulog din ang loob sa kanya ni Rhian,” sabi ng isa naming source.

Ayon pa rin sa aming source, kung paanong inagaw raw ni Marian si Dingdong kay Karylle noon ay unti-unti na raw nararamdaman ngayon ni Marian ang ginawa niya sa anak ni Zsa Zsa Padilla.

“Huwag na tayong magtaka kung isang araw ay mag-iiyak si Marian dahil masyadong nasasakal na sa kanya si Dingdong. Gusto niya, kahit saan naroon si Dingdong at kung ano ang gagawin nito ay laging nagpapaalam sa kanya. Sus, hindi pa sila kasal pero parang gusto na niyang anderin si Dingdong,” dagdag ng aming source.

[ad#post-ad-box]

Sa kabilang banda, mariing itinaggi ni Dingdong ang balitang si Rhian na ang bagong babae sa kanyang puso dahil hanggang sa mga sandaling ito ay si Marian lang daw ang mahal niya at hindi niya ipagpapalit sa kahit na kaninong babae dahil masaya sila sa isa’t isa.

LAST WEEK NA ang programang Ruffa & Ai nina Ruffa Gutierrez at Ai-Ai delas Alas.

Base sa nakarating sa aming balita ay papalitan umano ito ng isang show na mala-Talentadong Pinoy ng channel 5 na tiyak na ikatutuwa ng Sis nina Carmina Villaroel, Gelli de Belen at Janice de Belen.

“Maganda naman ang ratings ng Ruffa & Ai kaya lang, management desisyon ito at sa tingin ko naman ay mas maganda ‘yung ipapalit na show kaya dapat nilang abangan kung ano ito,” say ng isa naming source.

Samantala, nagpaalam na si Edu Manzano sa channel 2 para iwan pansamantala ang kanyang mga commitment para mabigyan nang panahon at attention ang gagawing pagsabak sa pulitika. Ayon sa isang taong malapit kay Edu, hindi raw naging madali sa actor ang pag-iwan sa mga programa.

HANGGANG NGAYON PALA ay matindi pa rin ang galit ni Emilio Garcia kay Baron Geisler dahil sa isyung namagitan sa kanila noon na parang nabastos ni Baron ang isang babae na malapit sa puso ni Emilio.

“Alam mo, nanghihinayang ako sa taong iyan. Noong bata pa iyan, gustung-gusto ko iyan dahil magalang mabait at hindi bastos. Ngayon, bastos siya,” mataray na sabi iyon ni Emilio nang makausap namin Juicy, hosted by Alex Gonzaga at IC Mendoza.

Ayon pa rin kay Emilio, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasanga ang landas nila ni Baron. “Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko kapag nagkita kami kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin nakalilimutan ‘yung ginawa niyang kabastusan. Ayokong magsalita na tungkol sa kanya, basta ang masasabi ko lang ay nanghihinayang ako at nawala sa pagkatao niya ‘yung mga bagay na hinahanggan ko sa kanya noon. Hindi na siya ‘yung Baron na una kong nakilala na mabait at magalang sa kapwa. Sayang magaling pa naman siyang artista,” pagwawakas ni Emilio.

More Luck
by Morly Alinio