Rhian Ramos, ninakawan ng halik si Jennylyn Mercado!

ADVERTISING

TRENDING kagabi ang Kapuso actress na si Rhian Ramos. Nope, she’s not involved in anything scandalous. Well, sort of!

Kinalampag ng aktres ang social media world at nag-number 1 sa trending topic kagabi dahil sa paglabas nito sa ‘Truly, Madly, Deadly‘, ang ika-apat at huling installment sa ‘I Can See You’ drama anthology series ng GMA-7. Bida rin dito ang real-and-reel sweethearts na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

ADVERTISING
Rhian Ramos, ninakawan ng halik si Jennylyn Mercado!
Rhian Ramos kisses Jennylyn Mercado in ‘Truly, Madly, Deadly’

Sa kuwento, Rhian Ramos plays the role of Abby, isang celebrity travel blogger na bumisita sa resort na pinagtatrabahuan ni Coleen (Jennylyn Mercado). Doon din nagtatrabaho bilang IT Staff si Dennis Trillo.

Ang hindi alam ng marami, dating mag-bestfriend na naging mortal enemies ang dalawa. Sa flashback scene na high school students pa lang sila ay mabubunyag na may lihim na romantic feelings pala itong si Abby sa kanyang bestfriend na si Coleen. Paano siya nag-out? By kissing Coleen on the lips!

Yes, ninakawan ng halik ni Rhian si Jennylyn!

ADVERTISING

Hindi klaro kung mismong sa labi ni Jennylyn dumampo ang nakaw na halik ni Rhian, pero ang sure kami ay marami ang natuwa at nabuhayan ng loob lalo na ang mga loyal fans ni Rhian na inidolo siya dahil sa kanyang portrayal bilang Jade sa lesbian-themed series na ‘The Rich Man’s Daughter’, na hanggang ngayon ay hoping pa rin ang fans nila ni Glaiza de Castro na magkakaroon sila ng reunion project.

Hindi man si Glaiza ang ka-partner ni Rhian dito sa ‘Truly, Madly, Deadly’, kilig din naman sila sa surprise kiss nila ni Jennylyn Mercado! Idagdag pa na sahog si Dennis Trillo! Bongga talaga!

Sa kuwento ay may consequences ang pag-amin ni Abby kay Coleen at ngayon na nakarecover na ng slight si Abby ay determinado na itong bawian ang kanyang ex-crush.

Ano kaya ang magiging ending nito? Abangan ang nakakakaaliw na ‘Truly, Madly, Deadly,’ tuwing 9:20 PM sa GMA-7!

ADVERTISING