Rhian Ramos, napiling kapalit ni Marian Rivera sa serye

Rhian Ramos, napiling kapalit ni Marian Rivera sa serye

Rhian-RamosHAY, NAKU! Mabuti na lang at si Rhian Ramos ang piniling kapalit kay Marian Rivera sa The Rich Man’s Daughter.

Nag-taping na yata siya nu’ng kamakalawa lang at malaki ang pasasalamat ng Kapuso actress at sa kanya ito ipinagkatiwala ng GMA 7.

Nag-text siya sa isang Startalk reporter namin ng statement nang ibinigay sa kanya ang naturang project.

Sabi niya, “Nagpapasalamat po ako sa GMA sa tiwalang binigay sa akin na ganapan ang role na JADE sa teleseryeng THE RICH MAN’s DAUGHTER. I look forward to the challenge of portraying the character.

“My very best wishes ang congratulations to ate Marian Rivera Dantes! I wish her a happy, comfortable and safe pregnancy.”

Bagay naman sa kanya ang role, eh. Kaya sana nga maganda ang kalalabasan ng project na ito at mahaba-haba ang tatakbuhin dahil may mga alaga akong kasali riyan, eh.

Parang back to zero daw sila ngayon dahil ang dami kasing nakunan na mga eksena na kasali si Marian.

Siyempre, natapon na lang ‘yun lahat at kailangan nilang kunan uli ‘yun na si Rhian na ang kaeksena.

Kaya double time sila ngayon sa taping dahil alam ko mga first week of May na ‘yan magsisimula.

Si Marian naman ay kailangan na munang mag-rest dahil hirap na hirap daw siya sa paglilihi.

Kuwento nga niya, parang umiikot daw lagi ang feeling niya paggising niya sa umaga. Medyo hirap talaga siya, kaya gusto na rin ni Dingdong na mag-rest na siya para naka-focus na lang siya sa kanilang magiging baby.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis