Rhian Ramos, nagreklamo sa isyu nila ni Marc Nelson

ADVERTISING

Rhian Ramos, nagreklamo sa isyu nila ni Marc Nelson

Rhian-RamosMAMAYANG GABI na pala magsisimula sa GMA Telebabad ang bagong drama series ng GMA 7 na My Destiny.

Siyempre, abala sa pagpu-promote ang mga bida rito na sina Tom Rodriguez, Carla Abellana, Rhian Ramos at Sid Lucero.

Hindi na nakisali ang alaga kong si Lorna Tolentino dahil okay na ‘yang silang apat na bida.

Sila naman ang may mga isyu na sinasagot nila sa mga interview.

ADVERTISING

Kaya lang itong si Rhian, iniiwasan na niya ngayong pag-usapan ang mga tungkol sa isyu nila ni Marc Nelson.

Nu’ng nakaraang presscon, at ilang interviews, sagot naman siya nang sagot. Pero nu’ng nakaraang guesting nila sa Startalk, iniiwasan na niya at hindi na raw puwedeng itanong.

Naku, ha! Hindi naman sinunod ng mga writers namin, pinatanong pa rin kay Joey de Leon kasama ko na nag-interview sa kanila.

Sinagot naman niya na wala raw talaga. Pero pagkatapos ng interview, lumapit talaga siya kay Joey at nagreklamo ito dahil kabilin-bilinan pa naman daw na huwag nang itanong sa kanya.

Kasi raw tuwing napag-uusapan ‘yun, nagsu-sorry raw siya kay Marc. May ganu’n talaga?! Hindi ba puwedeng isang sorry na lang dahil alam naman nilang iyun ang isyu sa kanya ngayon?

Anyway, wala naman siyang nagawa, natanong pa rin at napag-usapan, kaya siguro huwag na lang nilang gawing isyu pa ‘yan kung talagang wala naman talaga.

Tingnan na lang natin bandang huli at malalaman din naman ang buong katotohanan! ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING