Rhian Ramos, mas pinagkakaguluhan kaysa kay Kris Bernal!

ADVERTISING

Rhian Ramos, mas pinagkakaguluhan kaysa kay Kris Bernal!

Rhian Ramos, mas pinagkakaguluhan kaysa kay Kris Bernal!MERON PA rin naman palang fans si Rhian Ramos. Ang akala namin, naglaho na sila when she was rumored to have had romanced Mo Twister.

Namili si Rhian recently kasama ang dyo-wang si KC Montero. Sa Mall of Asia sila nagpuntang dalawa para rumampa at para makapag-shopping na rin.

Pinasok nila ang isang kilalang boutique store na pagkalaki-laki sa MOA. Since weekend yata iyon, napakaraming tao ang namimili.

When the shoppers saw Rhian and KC shopping ay talagang humanga sila sa couple. Apparently, they found them a handsome pair.

ADVERTISING

No sooner, pinagkaguluhan na ang dalawa. Ang dami nang nagpapirma at nagpakuha ng photo na kasama sila. Pinagbigyan naman ng couple ang   request  ng  ilang fans. Pero habang pinagbibigyan nila ang ilan, lalong dumarami ang mga ito. Hindi na nga sila nakapamili nang husto.

Siguro, dahil na rin sa hiya sa management ng boutique at dahil na rin sa pagkairita sa mga makukulit na fans, dali-dali raw tinapos ni Rhian ang pamimili. Kaagad daw itong nagtungo sa cashier at binayaran ang kanilang pinamili.

Kabaligtaran naman ang sinapit ni Kris Bernal nang magkaroon siya ng meet and greet event sa Robinson’s Place Manila some two weeks ago.

Nagpunta si Kris para sa isang bagay na ini-endorse niya. While there, hindi naman siya pinagkaguluhan. Ilan lang ang lumapit para magpa-picture sa kanya o kaya naman ay magpapirma.

Parang nahihiya na nga raw si Kris dahil ang tagal na niyang nakababad doon pero wala man lamang daw pumapansin sa kanyang beauty.

Siguro ay na-sense ito ng namamahala ng product na kanyang iniendorso kaya naman dali-dali ding tinapos ang meet and greet event.

 

HIRAP DIN pala si Divine Lee sa kanyang work bilang field reporter ng Ang Latest.

“Ang mahirap kasi, dahil baguhan ako, siyempre malalaking artista ‘yung nakakaharap ko, so kinakabahan ako. ‘Yung una po ay hindi ka nila kilala so bakit sila magtitiwalang magsalita sa ‘yo. ‘Yun ang number one na pinakamahirap sa akin,” sabi sa amin ni Divine.

“Meron talagang mga artista na ang hirap talagang pagsalitain, ‘di ba?” dagdag pa niya. “‘Yung parang wala ka talagang makuha kahit pigain mo.”

Rhian Ramos, mas pinagkakaguluhan kaysa kay Kris Bernal!

Sa ganitong pagkakataon, nakakakuha ng tips at tulong si Divine sa kanyang mga kaibigan sa media.

“Sa mga ganyang panahon, may mga tumutulong sa akin – mga tabloid press and field reporters. ‘Hawakan mo, Divine. Wala ka pang nakukuha. Sumawsaw ka.’ Alam mo ‘yun? Sabi ko, kung walang tabloid press at field reporters na tumutulong ay ‘di ko kaya ang trabaho.”

Iginagalang naman ni Divine kung ayaw magsalita ng isang artista tungkol sa issue sa kanya.

“You have to respect certain boundaries. Hindi naman… minsan kasi ‘yung artista ayaw (magsalita). Meron tayong tinatawag na network wars. Minsan sinasabi sa akin, “Sorry, Divs, gusto ko namang sumagot pero ‘yung RM (road manager) ayaw’. Ang gagawin ko, chinichika ko na lang sa panel na nakausap ko si ganito,” she said.

Aksidente lang ang pagho-host ng dalaga. She was modeling at 14 and at 17, sa isang fa-shion show ay hindi sumipot ang emcee. Siya ang napili among the models dahil siya ang pinakamadaldal.

Sa TV 5, nagsimula siya sa Extreme Makeover Home Edition, hangang sa napasok sa Juicy bilang kapalit ni Mo Twister. Then nakasama rin siya sa Ang Latest ngayon.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING