Rhian Ramos, madaling nakagaanan ng loob si Carla Abellana

ADVERTISING

Rhian Ramos, madaling nakagaanan ng loob si Carla Abellana

Rhian-RamosKASAMA SI Rhian Ramos sa cast ng bagong primetime series ng GMA 7 na My Destiny, kung saan gumaganap siya bilang kapatid ni Carla Abellana. At masaya siya sa magandang feedback sa unang week ng airing nito.

“Siyempre, touched na touched kami!” sabi ng aktres. “Kasi ‘yong mga tao, they’re making sure na talagang maramdaman namin ‘yong feelings nila for the show.

“Talagang tweet sila nang tweet. So far trending kami everynight pati worldwide. So talagang thankful kami siyempre. Personally I feel like a huge weight has been lifted. Because, ninenerbiyos ako at first. And the no’ng ipinalabas na, tapos nakita namin ‘yong reactions ng mga tao, parang all the more na we really, really want to give our best.

“It’s my first time to work with Sid (Lucero), Carla (Abellana), and Tom (Rodriguez). Most of the time though, ‘yong mga nakakaeksena ko lang naman ay si Carla. Naka-two scenes pa lang kami ni Tom. And kami ni Sid, wala pa.

ADVERTISING

“So, in terms of working with Carla, sobrang easy. It feels very very natural. Kasi I think both me and Carla in real life, pareho kaming may sister. And I think mas madali kaming nakakapasok sa role namin bilang magkapatid, kasi everytime I look at her parang I realy feel the love kaagad.

“Because I know what it’s like,” na mahalin at maging close sa isa’t isa bilang magkapatid ang ibig niyang sabihin. “So, ayon, all my scenes with Carla are easy. It’s… para bang… I don’t know why, pero parang kahit ngayon pa lang kami nagkatrabaho, it’s like alam na namin kung ano ang gagawin namin sa isa’t isa. To make the scene work.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING