Rhian Ramos, lutang na lutang ang husay sa bagong teleserye

ADVERTISING

Rhian Ramos, lutang na lutang ang husay sa bagong teleserye

Rhian Ramos
Rhian Ramos

Lutang na lutang ang galing sa pag-arte ng isa sa maituturing na GMA Prime Artist na si Rhian Ramos sa bagong serye, ang pagsasa-telebisyon ng “Sinungaling Mong Puso”, isa sa box-office hit movie ng Star For All Seasons na si Ms. Vilma Santos na ngayon ay gagampanan ni Rhian.
Sa teaser pa lang ng nasabing serye, kitang-kita na ang lalim sa pagganap ni Rhian na napatunayan na naman nito sa mga previous niyang serye sa Kapuso Network.
Patunay rin ang mga nominasyon nitong nakuha sa iba’t ibang award-giving bodies na isa nga ito sa mahusay na actress sa kanyang henerasyon.
Makasasama ni Rhian Ramos sa “Sinungaling Mong Puso” ang ilan pa sa prime actors ng Kapuso Network na sina Rafael Roselle, Kiko Estrada, at Ricky Davao.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING