Rhian Ramos, irita na sa pagli-link kay Marc Nelson

ADVERTISING

Rhian Ramos, irita na sa pagli-link kay Marc Nelson

Rhian-RamosHINDI NAPIGIL ni Rhian Ramos na mairita dahil pinipilit siya ng press na paamin na madalas silang makitang magkasama ni Marc Nelson. Natsi-tsismis kasi sila ni Marc, matapos na makipaghiwalay siya kay KC Montero.

Inamin naman ni Rhian na matagal na silang magkakilala ni Marc, pero kailan lang daw sila naging magkaibigan at nagkakasama sa lakaran. Si Bianca King daw ang dahilan kaya sila nagkakilala ng hunk TV host. Iisa raw ang condo-building na tinutuluyan nila.

Ayon pa sa mestisang actress, wala pa raw sa priorities niya ang magkaroon ng boyfriend ngayon. At wala pa raw siyang nararamdaman na gusto na niyang magmahal uli. Isa pa, hindi naman daw nanliligaw sa kanya si Marc at magkaibigan lang daw sila talaga.

Pero pilit pa rin siyang pinaaamin na may namamagitan na raw diumano sa kanila at panay rin namang itinatanggi ito ni Rhian. Dahil sa kakukulit, nagsalita pa si Rhian na: “I told you guys, there’s nothing going on between me and him. What do you really want from me? I don’t know?”

ADVERTISING

Halata ang pagkairita kay Rhian, pero nagawa pa rin niyang ngumiti at parang naguguluhan sa kung ano ba ang dapat niyang sabihin samantalang sinagot naman niya ang lahat ng tanong.

Anyway, sa My Destiny ay lalabas siyang nakababatang kapatid na may sakit na leukemia ni Carla Abellana. Si Lorna Tolentino ang kanilang mother sa serye.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING