Rhian Ramos, inilihim ang pagiging COVID-19 positive dahil hindi siguradong makakaligtas

ANG KAPUSO actress na si Rhian Ramos ang latest celebrity na naka-survive sa COVID-19.

Marami ang nagulat sa rebelasyon ng aktres dahil hindi ito nagpost sa social media ‘di tulad ng ibang artista na agad-agad ay ipinaparating sa publiko ang kanilang sinapit.

Sa exclusive interview ni Nelson Canlas sa dalaga, inamin nito na inilihim niya ang pinagdaraanan dahil hindi siya sigurado kung malalampasan niya ang unos na ito.

Rhian Ramos, inilihim ang pagiging COVID-19 positive dahil hindi siguradong makakaligtas
Rhian Ramos

“When you get it, ’di mo alam paano magre-react katawan mo. Siyempre pag wala ka pa, confident ka bata ka pa. Once nakuha mo siya, it becomes a reality, wala ka ng proof na kaya siya ng katawan mo unless nagawa mo na,” paglahad ni Rhian.

“Every minute is spent either researching on it, taking vitamins or cooking for yourself something healthy,”.

Marami sa mga viewers ng katatapos lang na family drama series na ‘Love of my Life’ ang hindi nakahula na may iniinda na palang sakit si Rhian.

Kuwento ni Rhian, three weeks ago ay kumuha ito ng antigen test na may negative result.

Ang kaso, the next day ay nakaramdam ito ng fever, severe headache at discomfort sa kanyang mga mata kaya nagpatest ito ulit. This time, ang kinakatakutang positive result ang lumabas.

“My antigen came out positive. I took a PCR test to be sure which also came out positive.”

Agad na sinabihan niya ang mga taong nakasalamuha para makapag-quarantine din sila.

Nagpositibo rin ang kanyang road manager na si Rach Librado at sabay sila na nag-isolate para magpagaling.

“On the inside I was truly scared … part of the COVID battle is the psychological battle because it’s scary. You’re isolated, you feel very alone,”

Mabuti na lang at gumaan na ang pakiramdam nila at nagnegatibo na ang bagong test na isinagawa sa kanila.

“I’m very thankful na hindi ako umabot sa stage na ’yun ,” said Rhian.

Habang naka-quarantine ay sinunod ni Rhian ang lahat ng bilin ng doktor sa kanya katulad ng pagtulog ng tama, pagkain ng healthy food (vegetables and fruits) at pag-inom ng mga vitamins.

Payo pa niya, “Best thing you can do for yourself and your loved ones is early detection. Confirm right away,”

Dahil sa pinagdaanan, sinabi ni Rhian na hindi niya muna dadalawin ang kanyang pamilya hangga’t lahat sila ay mabakunahan. Ipagpapatuloy nito ang pag-observe ng safety protocols para na rin sa kaligtasan ng mga taong makakasalamuha niya.