Rhian Ramos, hindi pinagselosan ni Marian Rivera – Lolit Solis

ADVERTISING

Rhian Ramos, hindi pinagselosan ni Marian Rivera - Lolit Solis

Rhian Ramos, hindi pinagselosan ni Marian Rivera - Lolit SolisMuli na namang nilinaw ni Dingdong Dantes na walang dapat ipagselos si Marian Rivera kay Rhian Ramos kahit naging close na sila ngayon sa taping ng Stairway to Heaven.

ADVERTISING

Minsan nga raw ay napag-uusapan nila ito ni Marian pero hindi naman daw pinag-aawayan dahil walang dapat pag-awayan, hanggang trabaho lang talaga ang closeness nila ni Rhian.

Itong si Rhian naman may mga statement sa ibang reporters na nakikita raw niya kay Dingdong ang katangian ng isang lalaking puwede niyang mahalin.

Sinabi pa raw nitong kung hindi lang taken si Dingdong, posibleng ma-fall siya dahil hindi naman daw mahirap mahalin ang aktor.

ADVERTISING

Kung narinig ni Marian iyon, puwede siyang mag-react, pero tsika lang naman yata iyun at baka na-exaggerate lang.

[ad#post-ad-box]

Sabi naman ni Dingdong, lalo raw niyang nakilala si Rhian at na-appreciate daw niya ang pagiging committed nito sa trabaho. Nakikita raw niyang nag-e-enjoy si Rhian sa mga ginagawa niya, at iyon naman daw ang mahalaga sa lahat.

Hindi na raw sila naiilang sa isa’t isa, at nakapag-uusap na raw sila ng mga seryosong bagay pero hindi naman daw ganu’n ka-personal.

Nakikita naman sa Stairway na may chemistry silang dalawa dahil kumportable na nga sila sa isa’t isa kaya maganda naman ang ratings ngayon ng kanilang Primetime Telebabad at patuloy na tinatalo ang katapat na programa.

Nakatsikahan ng Startalk si Dingdong sa autograph-signing nito sa kanyang bookazine ng Yes magazine nu’ng nakaraang Linggo at kahit anong biro ng mga reporter sa kanya tungkol kay Rhian, maayos niya itong sinagot dahil wala naman daw malisya ang closeness nilang dalawa.

SA DARATING NA Huwebes ay magsisimula na sa SRO Cinemaserye ang nakaaaliw na episode nina Rufa Mae Quinto at ng Brazilian/Japanese hunk na si Akihiro Sato na pinamagatang Moshi Moshi I Love You.

Ito pa namang si Rufa Mae madalas nali-link sa mga leading man niya kaya huwag na tayong magtaka kung ma-involve ito kay Akihiro.

Natutuwa naman daw itong Brazilian hunk kay Rufa Mae dahil masayang kasama sa set. Pero naka-concentrate daw siya ngayon sa trabaho at ayaw raw muna niyang ma-in love.

Siyempre, committed naman si Rufa Mae sa iba at baka nga raw mag-settle down na ito sa susunod na taon kaya tingin nila, malabong magkadebelopan sila nitong si Akihiro.

Hindi naman daw ito pagseselosan ng dyowa niya dahil very professional naman ito at naintindihan ang trabaho niya.

Sinundan agad ng tanong ng Startalk reporter namin kung ano ba ang profession nitong dyowa niyang ayaw naman niyang ipakilala. “Ah…Businessman siya,” parang matagal pang nag-isip bago niya ito sinagot.

Nilinaw rin pala ni Rufa Mae na wala pa raw iyong bahay niya sa Corinthian Gardens dahil sa hirap daw ng buhay ngayon, at ang daming nangyaring trahedya parang hindi naman daw tamang magpapatayo siya ng malaking bahay sa village na iyon.

Lupa pa lang daw iyon at hindi pa niya napatayuan kaya nakatira muna raw ito sa isang bahay nila kung saan kasama nito ang pamilya niya.

Kunsabagay, ang dami namang bahay ngayon ni Rufa Mae, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING