Rhian Ramos, hindi kinaya ang love scene nila ni Piolo Pascual sa “Silong”

ADVERTISING

Rhian Ramos, hindi kinaya ang love scene nila ni Piolo Pascual sa “Silong”

Ang Mga Cast Ng “Silong” Na Sina Piolo Pascual, Rhian Ramos At Guji Lorenzana Na Nag-Entertain Ng Fans Sa Fishermall.
Ang Mga Cast Ng “Silong” Na Sina Piolo Pascual, Rhian Ramos At Guji Lorenzana Na Nag-Entertain Ng Fans Sa Fishermall.

WORTH WAITING naman pala ang indie film na Silong nina Piolo Pascual at Rhian Ramos na dinirek ng baguhang sina Jeffrey Hidalgo at Roy Sevilla Ho, prinodyus ng SQ Film Laboraties at Black Mamba Pictures. Makabuluhan ang pelikula, kakaiba sa mga pelikulang nagawa na ni PJ. As always, ang galing ni PJ. Nag-swak sa personality nito ang character na kanyang pino-portray. Maging si Rhian, nag-level up na ang acting performance.

ADVERTISING

On it’s first day of showing, hataw agad ito sa takilya. Nag-mall show sina Piolo, Rhian, at Guji Lorenzana sa Fishermall in Quezon City to entertain shoppers. Super enjoy naman ang mga fans habang inaawitan sila nina Papa P at Rhian same with Guji. After ng performance ng the cast of Silong, nag-dinner sila sa Truly Asia Restaurant (owned by Moleen del Rosario).

Two years in the making bago naipalabas sa Cinemalaya 2015 ang nasabing indie film. Ito ang first directorial job ni Jeffrey. Nakilala siya as a singer/song writer ng Smokey Mountain. Nag-solo artist, nag-artista at ngayon nga bilang director. Hindi nahirapan si Direk Jeffrey na i-convince si Piolo para tanggapin ang nasabing pelikula. Hindi porke’t magkaibigan ang dalawa, challenge para kay PJ ang character na ipo-portray niya kaya niya ito tinanggap.

Bago tinanggap ni Rhian ang project, knows niyang may magaganap na love scene sa kanila ni Piolo. Kailangang gawin niya dahil kailangan ‘yun sa istorya. Very passionate ang lovemaking ng dalawa as Miguel at Valerie. Kailangang naka-topless si Rhian habang kinukunan ang scene.

ADVERTISING

Ikinuwento ni Rhian kung gaano ka-intense ang love scene nila ni PJ. “Okay naman, hindi ko kinaya… grabe kasi ‘yung treatment na pinag-usapan namin nina Piolo at Direk Jeffrey. Sabi ko, ganu’n ba Direk? First time ko ever na gumawa ng love scene sa pelikula. I was really, really nervous. ‘Yung scene mismo, hindi ko maalala. Naalala ko lang kino-cover-up lang niya ako. First actual movement that we did in the movie, I don’t remember how it’s fade out,” say ni double R.

Sobrang nag-enjoy si Piolo sa role na ginampanan niya sa Silong. “Enjoyed the journey, huwag ka na lang tumira roon baka hindi ka makaalis. I guess challenge ito, bilang artista, na gumawa ako ng ganitong klaseng role na hindi ko pa napo-portray. Ang sarap ng feeling na gumawa ka ng isang role na hindi mo ginagawa sa totoong buhay. ‘Du’n nanggagaling ‘yung passion ko sa ginagawa ko, because hindi naman ako ganu’n in real life. I love watching movies. I try not to imitate or copy anyone’s acting because I know I have my own expression, so mahirap kapag may ginagaya ka. So I just go there and go with flow in the scene.”

May twisted side ang character ni PJ as Miguel Castro same with Rhian bilang si Valerie. “Hindi siguro ako mag-aartista kung matino akong tao, ‘di ba? Hindi ganu’n kadaling umarte. Lahat naman ng tao, I guess it depends in the person you can attach to or you gonna entertain to…”

Napag-usapan rin ang nabalitang nagkaaayos na sina Piolo at KC Concepcion. Sinagot ng binata ang tungkol sa issue sa kanila ni KC Concepcion. May happy moment palang naganap sa dating mag-lover sa London. “I guess, it’s just magnified sa social media because we’re actually okay. Eversince in the past, we try to broke the ice when I sent my condolences (Mommy Elaine), ‘yun. When we see each other, okay naman kami. Siguro we just have the chance to talk lately. Nagkaroon kami ng oras para… we even talk about the past, ganu’n lang. It was a happy moment, you know. Para na rin sa kapayapaan ng mga tao…

“Maraming humihingi sa Instagram, ‘yung mga fans namin. Kapag nakita mo ‘yung comments nila para silang nabunutan ng tinik. Ang saya lang magpasaya ng tao maski okay naman talaga kami. At least, for their peace of mind, nakita nila we’re okay. This is a small circle, when you work with the same station, hindi naman p’wedeng hindi kayo magpansinan. We see each other, we say, hi to each other. Pero I guess, this is the first time that we’re able to talk about it. Napakaliit naman ng mundo. At the end of the day, with all honesty, ayaw kong may kaaway. Ayaw kong may kagalit or may galit sa akin,” paliwanag ni double P.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING