Rhian Ramos, gusto na ring maging Kapamilya

Rhian Ramos, gusto na ring maging Kapamilya

Rhian-RamosMARAMI ANG nagsasabi na mas bagay ang ganda at acting ni Rhian Ramos sa ABS-CBN kumpara sa kanyang home studio.

Nang makarating ito kay Rhian, kaagad niyang sinabi, “Marami nga ang nagsasabi na i-try ko naman ang ABS-CBN. Subukan ko raw ang maging Kapamilya. Pero hindi ko kasi naiisip na lumipat ng ibang station. Pero kapag laging sinasabi sa iyo na na i-try mo naman ang ibang station, na laging sina-suggest na ganoon nga. Mapapaisip ka rin.”

Magtatapos ang kontrara ni Rhian ngayong taon at hindi pa raw niya napag-iisipan kung ano ang susunod niyang hakbang para sa kanyang showbiz career. Ang huli niyang serye sa GMA 7 ay ang My Destiny kasama sina Carla Abellana at Tom Rodriquez.

“Hihintayin ko muna na mag-expire ang contract ko sa GMA, then, doon ko na lang pag-iisipan kung ano ang gagawin ko. Sa ngayon, I’m enjoying my life now sa iba’t ibang bagay,” say pa ni Rhian na mas sumeksi at gumanda.

Ilan sa mga pinagkakaabalahan nga niya ay ang clothing business at ang pangangarera kung saan walang takot makipag-unahan sa pagda-drive.

Kung lovelife naman ang pag-uusapan kay Rhian, super happy raw siya sa piling ng boyfriend na isang Chinese businessman. Sabi nga niya na parang ngayon lang daw umaayon ang tadhana sa kanya dahil tahimik at masaya raw talaga ang relationship nila ng boyfriend.

“Hindi ko ini-expect na magkaka-boyfriend ako. Ngayon lang ako nagka-boyfriend ng non-showbiz. Masaya at comfortable ako sa aming relasyon,” pahayag ni Rhian.

Tanong tuloy sa kanya ng press kung susunod na rin siya sa yapak nina Heart Evangelista at Marian Rivera na pareho nang may asawa?

“No! Wala pa sa isip ko ‘yan. Right now, ang business ang iniisip ko. And siyempre, ‘yung pagta-travel abroad. Gusto kong mag-travel nang mag-travel.”

Samantala, kinumusta naman kay Rhian ang kaso nila ni DJ Mo? Wala na kasing balita tungkol sa mga kasong isinampa nila sa dating boyfriend. Sagot ni Rhian, nanalo raw siya sa kaso at hindi na puwedeng lumapit sa kanya ng ilang metro ang dating boyfriend.

Joel-Cruz-and-TwinsKambal ni Joel Cruz, rumampa sa fashion show

IKINATUWA NG press ang pagrampa rin ng kambal na anak ni Joel Cruz sa ginanap na fashion show ni Ruffa Gutierez na tinawag na Love Collection 2, kung saan ang mga tsikiting na mga anak ng celebrity ang rumampa, kasama na rito ang mga anak ni Ruffa at ang anak nina Richard Gutierrez at Sarah Labhati na si Zion.

Cute na cute ang dating sa press ng kambal ng binansagang Lord of The Scent na si Sir Joel na sina Prince Sean at Princess Synee na three years old na ngayon.

Tsinika at tinanong si Joel ng press kung paano siya naging ama at kambal pa na super cute at matigas pa ang mga ito?

Ayon kay Sir Joel, bago ipinanganak ang kambal ay 9 years siyang nag-try para magkaroon ng anak sa pamamagitan ng surrogacy program sa iba’t ibang bansa. Pero sad to say, lagi raw failure ito.

Hanggang maisipan niyang magpunta at subukan sa Russia at pronto, natupad ang pangarap niyang magkaanak. First attempt pa lang ay naging successful at isinilang nga ang kambal. Iisa ang ina ng dalawang bata at gumastos siya ng humigit kumulang sa P12-M. Pero wala raw katumbas na anumang pera ang kasiyahang nadarama niya ngayon na isa na siyang ama.

Naibalita rin ni Sir Joel na may darating siya ulit dalawang anak as in kambal uli sa dating babae from Russia at sa ganoon ding procedure. Madalas siya ngayon sa Moscow para masiguro niya na nandoon siya paglabas ng kambal na anak.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo