Rhian Ramos & Glaiza De Castro: Kissing Girls And Liking It!

ADVERTISING

Glaiza-de-Castro-Rhian-RamosRHIAN RAMOS
Real Name: Rhian Denise Ramos Howell
Birthdate: October 3, 1990
Zodiac Sign: Libra

GLAIZA DE CASTRO
Real Name: Glaiza Castro Galura
Birthdate: January 21,1988
Zodiac Sign: Aquarius

FOR THE first time (and probably the last), girl-to-girl ang aksyon natin ngayon dito sa Pares-Pares!

Two weeks na lang ang itatakbo ng first lesbian-themed series ng Pilipinas na The Rich Man’s Daughter. Hindi man bukas lahat ng manonood sa ganitong uri ng programa, hindi maikakaila na maraming open-minded viewers ang talaga namang inaabangan ito tuwing gabi. Maliban sa interesting na tema, nag-uumapaw rin ang chemistry ng mga bida nito na sina Rhian Ramos bilang Jade at Glaiza de Castro bilang Althea o mas kilala bilang JaThea o RaStro Rebels.

Rhian is good in playing the rich man’s daughter na inosente pero may sensual side. Si Glaiza naman ay bongga ang arrive bilang isang lipstick lesbian na palaban at talaga namang nakaiinlab. Kahit ‘ata straight girls ay kinikilig sa damoves n’ya, eh!

ADVERTISING

Both actresses claim na they’re straight in real life, but we can’t help but wonder the great possibilities. Let’s give it a try, shall we?

Kilala bilang mga sociable individuals ang Libra at Aquarius. Gustung-gusto nilang dumalo sa mga pagsasalo at bihira silang makitang nagsosolo. Pareho rin silang game pagdating sa matatalinhagang pag-uusap dahil natural sa kanila ang pagiging matalino at outspoken. Ini-enjoy nila ang kanilang freedom at gusto nilang palaging masaya at chill lang ang mga nasa paligid nila. Ang pagkakaiba lang ng dalawa ay mas importante sa Libra ang personal love, samantalang pang-universal naman ang sa Aquarius.

Sa totoo lang, hindi mahirap magka-debelopan ang Libra at Aquarius. Kaya nilang mag-adjust sa mga sitwasyon kung kinakailangan. Mamahalin lalo ng Libra ang Aquarius dahil sa kanyang creativity at initiative, samantalang ikahuhulog naman ng loob ng Aquarius ang sense of humor at balance of nature ng Libra. Magkakaroon lamang sila ng problema kung humingi na ng long-term commitment ang Libra, pero hindi naman talaga ito ganu’n kabigat kung tutuusin.

Kahit pa kailangang um-effort nang bonggang-bongga ng Libra para mapapayag mag-commit sa kanya ang Aquarius, hindi ito magkakaroon ng major headache. Maaaliw siya sa pagiging adventurous ng Aquarius sa samu’t saring larangan, samantalang lalong ikapa-proud ng Aquarius na girlfriend niya ang napaka-sensible at balanseng Libran. In short, they bring out the best in each other!

Woohoo! RaStro can be real! Parang ang pasikut-sikot na kwento ng TRMD, mukhang sa finale ay puwedeng-puwede sina Rhian at Glaiza! Ituloy na ang nakabibitin na halikan na ‘yan! Charot! Pero push na!

Pares-Pares

By Madam DaminRhian Ramos & Glaiza De Castro: Kissing Girls And Liking It!

ADVERTISING