Rhian Ramos, game na game sa daring scene nila ni Piolo Pascual sa indie movie

Rhian-RamosFINALLY, NAPANOOD na rin namin ang pelikulang Silong na prinodyus at pinagbibidahan din ni Piolo Pascual. Sinugod namin ang napakalayo at matrapik na lugar sa Greenbelt 3, Makati nu’ng Biyernes to see the movie.

Present sa preview si Piolo at ang leading lady niyang si Rhian Ramos, pati na ang director ng pelIkula na si Jeffrey Hidalgo. Natuwa si Piolo dahil walang nag-walkout at tumayo habang ipinapalabas ang Selong. Ibig daw sabihin nito, na-hook ang mga nanood at nagustuhan nila ang pelikula.

Isang psychological-suspense ang Silong. Medyo tragic ang ilang eksena rito, lalo na sa bandang last part ng movie. Meron ding daring scenes sina Piolo at Rhian, pero hindi naman ito lumabas na bastos.

Halatang game na game si Rhian sa mga eksena niya with Piolo kahit pa first time niya lang magpaka-daring. Ayon pa sa aktres, wala siyang inhibition sa kanilang mga eksena dahil alam niyang pinoprotektahan siya ni Piolo.

May konting pasilip din ng puwet si Piolo sa isang eksena sa Silong habang naliligo siya sa shower. Medyo madilim lang ito, pero kita pa rin naman.

Ang Silong ang magiging closing film sa Cinemalaya sa Aug. 14 sa CCP Main Theater. Soldout na ang tickets nu’n pang isang linggo kaya tuwang-tuwa si Papa P.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleAJ Ocampo, magpapakitang-gilas sa launching movie
Next articleKris Aquino, dapat daw kondenahin sa ‘pagsuporta’ sa pag-torture at pagkatay ng hayop

No posts to display