Rhian Ramos, deadma kung 2nd choice lang sa soap ni Dingdong Dantes

ADVERTISING

Rhian Ramos, deadma kung 2nd choice lang sa soap ni Dingdong Dantes

Rhian Ramos, deadma kung 2nd choice lang sa soap ni Dingdong DantesTINATAWANAN NA LANG ng isa sa prime artist ng Kapuso Network na si  Rhian Ramos ang mga taong umiintriga sa kanya sa pagiging second choice at pamalit lang kay Heart Evangelista sa soap na pagsasamahan nila ni Dingdong Dantes.
Ang mahalaga raw kay Rhian, sa kanya napunta ang trabaho at may trabaho siya. Hindi raw kasi siya mapiling tao as long as maganda ang project, kahit na 2nd choice lang siya ay tatanggapin niya ito. Mas mahirap daw ang matengga at walang work, kaya naman daw hangga’t binibigyan siya ng trabaho sa kanyang home studio at tanggap lang siya nang tanggap.

Sa ngayon, happy raw si Rhian at maganda ang rating ng kanilang show ng Pambansang Kamao na si Congressman Manny Pacquiao, ang Manny Many Prizes. Sana raw ay magtuluy-tuloy ang magandang rating nito at mas panoorin ng mga tao.

 

AS EXPECTED DUMAGSA ang dami ng tao sa premiere night ng pinakaaabangang pelikula ng taon, ang Tween Academy Class of 2012, na pinalabas sa Cinema 9 at 10 ng SM Megamall. Punum-puno ang dalawang sinehan at marami pa ring tao sa labas na gustong makapasok. Pero hindi na pinahintulutan ng SM management, dahil siksikan na at tayuan na ang mga tao sa loob.

ADVERTISING

Present ang buong cast ng kinakikiligang pelikula at mga bo-sing sa GMA Films sa pangunguna ni Ma’am Annette Gozon Abrogar at Mr. Joey Abacan at sumuporta naman ang ilang tweens na kasamahan nila sa Tween Hearts na sina Ken Chan at Teejay Marquez.

Habang hiyawan naman ang pumuno sa loob ng sinehan sa bawat nakakakilig na eksena ng magkaka-loveteam na sina Alden Richards at Louise Delos Reyes, Bea Binene at Jake Vargas , Kristoffer Martin at Joyce Ching, atbp.

Kaya naman sa dami ng taong dumagsa sa premiere night, pihadong isa na naman itong blockbuster movie mula sa GMA Films.

 

DINUMOG NG MARAMING tao ang tatlong mall shows ng Pinay-Canadian singer at tinaguriang Vancouver’s Singing Sweetheart na si Ethel Rose Amistad na ginanap sa SM Valenzuela, SM San Pablo at SM Dasmariñas, Cavite kasama ang magaling na young DJ na si DJ Joph, 2008 Pinoy Canadian Idol Ramir Omosura, Dance Squad, Gigger Boys member Benjamin De Guzman, Tween Hearts/ Time of My Life/ Walang Tulugan with the Master Showman mainstay Teejay Marquez at Master Showman/ Tweenhearts/ Iglot mainstay Hiro Magalona.

Hindi raw inakala ni Ethel Rose na ganu’n karami ang taong pupunta sa kanyang album promo, kaya naman daw sobra-sobrang pasasalamat ang gusto nitong ibigay sa mga kababayan nating Pinoy na sumusuporta sa kanyang paglilibot sa iba’t ibang SM malls.

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING