Rhian Ramos, car racer ang bagong boyfriend

Rhian Ramos, car racer ang bagong boyfriend

Rhian-RamosSEKSI NI Rhian Ramos. Sa tagal ng pagkawala niya at nag-concentrate yata ang beauty niya sa kanyang love life, tila excited siya sa muling pagharap sa publiko via a controversial teleserye tungkol sa buhay at pag-ibig ng mga lesbians.

Yes, may pang-gulpe de gulat na naman ang GMA Network matapos na mapag-usapan sa apat na sulok ng Pilipinas ang beki-serye nilang My Husband’s Lover na naging dahilan para mag-click sa masa ang man to man (M2M) love team nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo.

This time, kuwento tungkol naman sa awakening ng isang babae sa bagong mundo na nadiskubre niya. Rhia plays the role of Jade na na-in love sa isang feminine lesbian played by Glaiza de Castro.

“Sa first three taping days, asiwa pa si Rhian sa set. Hindi niya ma-internalize ang kanyang karakter na babae na magkakagusto rin sa kapwa babae,” say ni Direk Dominic Zapata.

“I’m excited with my role,” kuwento ni Rhian sa press during the launch of The Richman’s Daughter na magsisimula na sa Lunes, May 11.

Sa katunayan, hindi nagkaroon ng pagdududa si Rhian sa role niya. May kissing scene or love scene man with a female partner sa “lesbo-serye”, ok lang sa dalaga. “I’m 100% woman and I have nothing against lesbians. Okey lang sila sa akin,” paniguro niya.

Ang boyfriend ngayon ng dalaga ay isang Pinoy car racer na ayaw na niyang bangitin ang pangalan para iwas intriga.

Reyted K
By RK VillaCorta