Rhian Ramos at KC Montero, ‘di na maitago ang relasyon!

ADVERTISING

Rhian Ramos at KC Montero, ‘di na maitago ang relasyon!

Rhian Ramos at KC Montero, ‘di na maitago ang relasyon!KITA TALAGA sa mukha ni Rhian na very happy siya sa espesyal na relasyon na pagtitinginan nila ngayon ni KC Montero.  At very vocal naman siya sa gano’ng nararamdaman niya at this point.

“I love it!” nakangiting sabi ni Rhian, “Happy’ng happy nga ako. Kaya, wala. Parang ganado akong gawin lahat,” inspirado sa lahat ng bagay ang ibig niyang sabihin. We were saying nga na parang proud nga kami kasi kitang-kita nga na hindi kami nagtatago. Hindi kami nagkukunwari na wala. So, ayon! Happy lang!

“Uhm… hindi pa naman formally na kami,” paglilinaw ng aktres. “We’re dating!”

Pero sa nakikitang sweetness nila, parang mag-on na nga sila?

ADVERTISING

“Inspirasyon namin ngayon ang isa’t isa. Oo. So, ayon, dyino-joke lang namin ang isa’t isa na, ganito pala ‘pag inspired, nagkakamali. Gano’n pala!” tawa ulit ni Rhian.

Ano pa ba ang nakakapigil para formally ay maging sila na nga?

“Uhm… I don’t think there’s been enough time.”

Gaano na ba katagal since nagsimula silang maging malapit ni KC sa isa’t isa?

“I don’t know, eh. Kasi parang feeling ko, it’s not something na talagang puwede kong bigyan ng time. Pero kailangan, parang, mararamdaman ko lang kung iyon na ‘yong tamang time. Or kung puwede na. We support each other. Oo naman! Uhm… sa mga projects na ginagawa ko outside of showbiz, ayun, inaalalayan niya ako. Kasi siya naman talaga ‘yong businessman. So, marami naman talaga akong natututunan.”

Ano ba ang pinakanagustuhan niyang mga katangian ni KC?

“Mabait. Mabait siya. Ayun! Basta he’s a good person. And I think, bihira na lang ang good person!” sabay tawang nasabi pa ni Rhian.

 

“KILIG!” NAKANGITING sabi naman ni KC Montero nang matanong namin tungkol sa napapabalitang pagkakamabutihan nila ni Rhian Ramos. “I’m very happy talaga. Yes. Uhm… I’m just really very happy. It’s been a while since I’ve been happy. So, everything feels good.”

Kailan at paano nga ba nagsimula ang magandang pagtitinginan nila?

“Well… we’ve been friends for a while. It happened because of work and business. We spend a lot fo time together with my companies. And she might be a partner in our company. So, through that, it just developed.”

Marami raw negosyo si KC na kasosyo ang ilang kaibigan at interesadong makipag-business partner din daw sa kanila si Rhian. Meron silang clothing line, may bar, social agency, at iba pa.

“And she’s getting into clothing. Sooner or later, she’ll be in as our partner. We’re dating. Uhm… we’re not dating anybody else aside from each other. So, whatever that is. Basta we’re dating. Everyone can see how we talk. How we act. How we treat each other. So, whatever it is you wanna call it.”

Sa namamagitan sa kanilang dalawa ngayon, ano ang siniguro at naipangako niya kay Rhian?

“Knight and shining armor!” sabay ngiti ni KC.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING