Rhen Escano at Jao Mapa nagpatikim ng bawal na pag-ibig sa ‘Paraluman’

PALABAS NA ngayon sa VivaMax ang bagong obra ni Yam Laranas. Simula nang magbalik ang direktor sa Pilipinas some years ago after staying in the United States ay naging sunod-sunod ang paggawa nito ng mga pelikula with Viva na madalas ay nalilinya sa thriller o erotic genre.

Rhen Escano at Jao Mapa nagpatikim ng bawal na pag-ibig sa 'Paraluman'
Jao Mapa and Rhen Escano in ‘Paraluman’

This time, ang isa sa VivaMax favorites na si Rhen Escano ang kanyang muse sa ‘Paraluman‘. Ang pelikula rin ang nagsilbing comeback movie ni Jao Mapa, na noon ay minahal ng madla bilang isa sa leading hearthrobs noong 90’s. Kasama rin nila sa pelikula ang Viva Hot Babe na si Gwen Garci, na pinatunayang kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga mas batang hubadera. Just like before ay walang takot din itong nagpakita ng kanyang katawan sa mga love scenes niya with Jao.

In fairness, may chemistry talaga sina Jao at Rhen. Maganda ang mixture ng pagiging misteryoso ni Jao bilang Peter (na hindi mo alam kung nagpapaka-inosente lang din ba ito o pasimple lang ang atake) at ang pagiging inosente pero pilya ni Rhen.

Kung hindi kami nagkakamali, hindi aware si Rhen sa mga naging achievements ni Jao bilang 90’s star (siya ay ipinanganak noong 1997) kaya nakakabilib na kahit na puwede na silang mag-ama ay lumabas na natural pa rin ang kanilang chemistry.

Rhen Escano at Jao Mapa nagpatikim ng bawal na pag-ibig sa 'Paraluman'
JAO MAPA } On a scene with Rhen Escano in ‘Paraluman’

Idagdag pa na hindi bastusin ang atake ng mga eksena ng pelikula. Oo, may mga parte na hindi comfortable isipin (Mia, Rhen’s character, just turned eighteen in the film), pero maayos ang execution. Sa totoo lang, hindi namin nagustuhan ang huling pelikula na ginawa ni Direk Yam kaya natutuwa kami na dito ay bumawi siya. Malaking factor din
talaga ang magandang istorya at galing ng mga artistang gumahanap.

As of writing ay #1 pa rin sa Vivamax ang ‘Paraluman’. Si Rhen ay busy ngayon sa paggawa ng kanyang first international film na ‘Sunday’ sa Singapore
habang sure na rin kami na may follow-up movie si Jao.