Rhed Bustamante ng “Seklusyon”, kakabugin sina Nora, Irma, at Eugene sa Best Actress ng MMFF

ADVERTISING

Rhed Bustamante ng “Seklusyon”, kakabugin sina Nora, Irma, at Eugene sa Best Actress ng MMFF

Rhed Bustamante ng “Seklusyon”, kakabugin sina Nora, Irma, at Eugene sa Best Actress ng MMFF
Rhed Bustamante in “Seklusyon”

Huwag daw pakasisiguro ang mga beteranang aktres na sina Nora Aunor, Eugene Domingo, at Irma Adlawan sa Best Actress category ng 2016 Metro Manila Film Festival, dahil puwede raw silang kabugin ng batang si Rhed Bustamante ng pelikulang “Seklusyon”.

Bida si Nora sa “Kabisera”, si Irma sa “Oro”, si Eugene sa “Ang Babae Sa Septic Tank 2”, at si Rhed naman ay gumaganap bilang Anghela, ang demonyitang bata sa “Seklusyon”.

Base sa mga nakapanood na kay Rhed sa “Seklusyon”, napakahusay ng pagkakaganap nito bilang faith healer na akala mo’y sugo ng Diyos, pero ‘yon pala ay kampon ng demonyo. Effortless at mas malalim ang atake ng acting na ginawa niya na nakabibilib kung paano naipakita ng isang batang kagaya niya.

Ngingiti-ngiti lang naman si Rhed kapag sinasabi na napakagaling niya sa pelikula.

ADVERTISING

Sey pa nga niya, “‘Yon po kasi ang gusto ni Direk Erik (Matti). Ginawa ko lang po ‘yung pinagagawa niya.”

Samantala, patuloy na pinipilahan ngayon ang “Seklusyon” na pinagbibidahan din nina Ronnie Alonte, JR Versales, Dominic Roque, at John Vic de Guzman.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING