Rhea Tan ng Beautederm, naiyak sa ginawang pagsorpresa ng idolong si Korina Sanchez

ADVERTISING

Rhea Tan ng Beautederm, naiyak sa ginawang pagsorpresa ng idolong si Korina Sanchez

Kitang-kita sa reaksyon ni Rhea Tan, ang CEO ng Beautederm Corporation ang pagkagulat nang biglang umapir ang idolo niyang broadcaster and TV personality na si Korina Sanchez-Roxas sa opening ng kanyang flagship store sa Marquee Mall in Angles, Pampanga nung Sept. 22.

Hindi naiwasang mapaiyak ni Rhea habang tinatawag ng host ng event ang pangalan ni Korina. Hindi siya makapaniwala na pupunta pa ng Pampanga si Ms. K para sorpresahin siya.

Si Korina ay idolo ni Rhea mula pa nung kanyang kabataan. Wika pa niya, inspirasyon niya si Korina kung bakit siya kumuha ng kursong Mass Communications noong college.

“I’m speechless and really lost for words. Si Ms. Korina Sanchez, ang aking idolo. Ako po ay nag-Masscom dahil po sa kanya. Hindi ko po alam ang gagawin ko kanina, kung magku-collapse ba ako, nanginginig ako hanggang ngayon kasi sobrang idol ko siya. Hindi ako makapag-English, baka i-correct niya. Idol na idol po kita,” wika ni Ms. Rei.

ADVERTISING

Ayon naman kay Korina, na-inspired siya ni Rhea kaya nagsimula na ring mag-business.

“Kung siya ay nag-Masscom dahil sa akin, ako naman ay nagnegosyo dahil sa kanya. Oo naman, kasi gusto kong magkaroon ng relong ganyan. At saka gusto kong kuminis na ganyan,” buwelta naman ni Korina kay Ms. Rei.

“Thank you, Rei. I’m sure this is just the beginning of ten folds of the success of Beautederm. Maraming salamat po sa inyong lahat, Pampanga. Uuwi na po ako sa aking mga anak,” huling hirit ng broadcast journalist.

Samantala, bukod kay Korina, dumalo din sa opening ng Beautederm sa Angeles ang kanilang mga celebrity endorsers na sina Lorna Tolentino, Sylvia Sanchez,  Glydel Mercado, Maricel Morales, Jestoni Alarcon, Ken Chan, Arjo Atayde, Ejay Falcon, Pauline Mendoza, Jane Oineza at marami pang iba.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING