Rhea Tan, dream come true na makuhang brand ambassador si Darren Espanto for Beautederm

ADVERTISING
Leo Bukas

WALA talagang tigil sa paglago ang Beautederm Corporation ni Rhea Tan. Last Tuesday, March 3, ay winelcome naman nila bilang bagong celebrity brand ambassador ang sikat na Kapamilya singer na si Darren Espanto sa pamamagitan ng isang bonggang solo presscon.

Ayon kay Rhea, isang dream come true na makuhang endorser si Darren.

Rhea Tan, dream come true na makuhang brand ambassador si Darren Espanto for Beautederm
Darren Espanto

“He is a total performer. Ang dami niyang fans at hindi rin ako nahirapang kunin siya para sa Beautederm. I’m glad that he is now a part of our growing family,” wika ni Rhea.

Si Darren ang kakatawan sa millennial market ng Beautederm na sinisimbolo ang pagkauhaw sa excellence at patuloy na pagpupursige na makapagbigay ng mataaas na kalidad produkto.

Sa murang edad na 12, sumikat si Darren matapos siyang sumali sa unang season ng The Voice Kids Philippines sa ABS-CBN. Now, Darren is 18 years old.

ADVERTISING

 Bilang isa sa mga main artists na mapapanood lingo-linggo sa ASAP Natin ‘To sa Dos, isa si Darren sa pinaka-maiinit na young superstars ng bansa ngayon sa kanyang chart-topping singles, sold-out concerts, numerous awards, at multi-platinum studio albums.

“I am so honored now that I am finally part of the Beautéderm family,” sabi ng binata. “I love the products of Beautéderm and this is a brand that I really use in my personal hygiene and grooming,” sey pa  ni Darren.

Rhea Tan, dream come true na makuhang brand ambassador si Darren Espanto for Beautederm
Rhea Tan with Darren Espanto

Pagmamalaki naman ni Rhea,  “Naniniwala ako na Darren will be very instrumental for the brand to reach a younger market. Isa si Darren sa mga biggest young stars natin ngayon pero he remains very humble and he is one of the most pleasant and nicest artists that we ever worked with.”

Kabilang sa flagship brands ng Beautederm ay ang kanilang Beautederm Skin Set, Beautederm Purifie Facial Wash; ang Beautéderm Home line na kinabibilangan ng soy candles, room at linen sprays, at air diffusers; ang baong line nito na Spruce & Dash men’s line at marami pang iba. Lahat ng ito ay pawang top-selling products.

 

ADVERTISING