Rey Pumaran, tinuluyan si Melissa Mendez

Rey Pumaran, tinuluyan si Melissa Mendez

Rey-Pumaran-Raymond-FortunITINULOY PA rin pala nitong Rey Pamaran ang demanda laban kay Melissa Mendez.

Nag-file siya ng kasong Slander by Deeds sa Pasay Prosecutor’s Office nung kamakalawa ng hapon, kahit naglabas na rin naman ng pubic apology si Melissa.

Akala ko naman kasi pagkatapos ng public apology, okay na. Iyon pala may iba pa siyang demands.

Ang gusto pa nitong Pamaran na dapat sa TV daw sabihin ni Melissa ang public apology at ikuwento daw uli ang buong pangyayari, dahil ang sabi nito 90 percent ng kuwento noon ni Melissa ay kasinungalingan daw.

Ang dinig ko, sa Startalk ibinase ni Pamaran ang kuwento ni Melissa, kaya roon pa yata sa Startalk guesting napahamak si Melissa.

Pagkatapos niyang mag-file, kaagad na tinawagan ng Startalk si Melissa kung ano ang reaksyon niya rito.

Sabi raw ng aktres, wala na raw muna siyang sasabihin sa ngayon. Hindi siya magpapa-interview dahil nasabi na raw niya ang buong katotohanan.

Ibig niyang sabihin, wala siyang dapat i-retract dahil pawang katotohanan daw ang mga nasabi niya.

Hay, naku! Nagsimula lang ‘yan sa pagkukuha ng litrato ng clouds, ha?! Ang dami nang nangyari!

Ang mangyayari siguro nga nito, haharapin na ni Melissa itong kaso at siguro kung may maitulong ang Gabriela, siya naman ang magdedemanda laban kina Pamaran at baka pati si Andrew Wolff.

Kunsabagay, kung ako rin naman si Melissa, sige magdemanda ka na! Matinding kahihiyan na ang inabot ko rito, bakit ko pa lalong pababain ang sarili ko. Nag-apologize na rin naman ako, bakit ko pa baguhin ang mga sinabi ko noon. Laban na lang kung laban!

In the spirit of Holy Week, pinatatawad na raw ni Pamaran si Melissa, at mananahimik na rin ang huli. Pero nandiyan na ang demanda, tingnan na lang natin kung saan ito aabot.

Pati tuloy ang tunay na kasarian ni Rey Pamaran ay kinuwestiyon at inili-link na kay Andrew.

Ang sabi nito, empleyado raw niya si Andrew sa kumpanya niya. Wala raw silang something bukod sa nagtatrabaho lang ito sa kanya.

May reporter ngang nagtanong sa kanya kung sure daw ba ito sa gender niya. Mabilis daw ang sagot niyang, “Oo naman! Sa laki ng katawan ko!” Ganun?!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis