Rey PJ Abellana, wala raw isyu sa anak na si Carla Abellana

ADVERTISING

Rey PJ Abellana, wala raw isyu sa anak na si Carla Abellana

Rey-PJ-Abellana-Carla-AbellanaNAKAUSAP PALA ng Startalk reporter namin si Rey PJ Abellana sa presscon ng GMA drama series nilang More Than Words, at doon nilinaw ng aktor na okay sila ng anak niyang si Carla Abellana.

Hindi raw totoong hindi sila okay. Bihira na lang nga raw silang magkita, dahil sa abala naman ito sa trabaho niya, at naintindihan naman daw niya dahil nakikita naman niyang marami itong ginagawa sa mga programa niya sa GMA 7.

Kuwento ni Rey PJ, nu’ng wala pa raw sa showbiz si Carla, tuwing linggo ay nagkikita raw sila. May time daw silang lumabas at mag-bonding. Kaya nalulungkot daw siya ngayon dahil sabi nga niya, “once in a blue moon” na raw sila nagkikita.

Kaya lang marami pa rin akong naririnig na hindi okay, kaya dapat na si Carla na ang magsalita na para maipagtanggol ang kanyang ama.

ADVERTISING

Nagkaroon kasi ng ganu’ng intriga dahil nga sa lumitaw na kuwentong nagwala raw si Tom sa dressing room nang magkita sila ni Rey PJ sa taping ng Don’t Lose the Money.

Hindi alam ‘yun ni Rey PJ nang tinanong siya ng ilang reporters sa presscon ng More Than Words. Okay raw ang pag-uusap nila at meron pa nga raw ibinulong si Tom sa kanya.

Nababaitan siya kay Tom at gusto niya ito para sa kanyang anak.

Basta may iba pang kuwento akong naririnig, pero siguro hayaan na muna natin dahil okay naman sila at wala naman daw isyu. Hayaan na nga natin!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING