Rey ‘PJ’ Abellana binawi ang ‘one night stand’ statement patungkol sa hiwalayang Tom at Carla

BINAWI ng estranged father ni Carla Abellana na si Rey ‘PJ’ Abellana ang earlier statement nito patungkol sa diumano’y ‘one-night stand’ ni Tom Rodriguez sa hindi pinangalanang babae na naging hudyat daw ng hindi pagkakaunawaan ng bagong kasal na showbiz couple.

Sa pamamagitan ng 24 Oras ay muling nagsalita ang ama ni Carla na tila binabawi ang kanyang mga naunang statement sa radio program ni Cristy Fermin.

Rey 'PJ' Abellana binawi ang 'one night stand' statement patungkol sa hiwalayang Tom at Carla
Rey PJ Abellana | Carla Abellana and Tom Rodriguez

“At first, may nakarating po at nalaman ni Carla na may issue na one-night stand na involved si Tom. Si Tom naman was already able to explain kay Carla na wala naman din pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari iyon. Wala pong natuloy na one-night stand, according to Tom’s side naman,” paliwanag ng ama ni Carla.

“So, yun po yung scenario ng issue na one-night stand. Napashortcut lang po, napaabrupt lang po yung pagkasabi ko kay Nanay Cristy na, you know, ay napag-isipan ng masama,” dagdag pa niya.

Sa kanyang payanam sa veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ay sinagot ni Rey ‘PJ’ Abellana ang katanungan sa kung ano ang nalalaman niya sa hiwalayan ng TomCar.

“Honestly speaking, hindi po natin mako-consider na third party ang sitwasyon, kasi po ang pangyayari eh one-night stand eh. So hindi po natin ‘yun kinoconsider na third party.”

“Medyo normal sa buhay ng mga lalaki. Kaya naiintindihan ko po yan.” pahabol pa niya.

Pagkatapos ng ilang araw ay inamin ni Mr. Abellana na hindi niya nalinaw ang kanyang statement na ikinasama ng loob ng kanyang anak.

“She was mad. She was questioning me why it came up that way. Of course, I explained it to her right away and after explaining my side, hindi naman na din naman siya nag-message ulit.”

Rey 'PJ' Abellana binawi ang 'one night stand' statement patungkol sa hiwalayang Tom at Carla
Carla Abellana and Tom Rodriguez
Rey 'PJ' Abellana binawi ang 'one night stand' statement patungkol sa hiwalayang Tom at Carla
Carla Abellana and Tom Rodriguez

Hanggang ngayon ay hoping pa rin si Rey na maayos kung anuman ang tunay na gusot sa pagitan ng mag-asawa.

“I-work out na nila ‘yan. So much the better na ma-normalize na uli sila at maipatuloy na nila yung buhay mag-asawa nila.”

“When he (Tom) came over to talk to me and explain his side, he would cry along with his explanations and everything and he keeps on saying na he wants his wife back. He wants Carla back. He loves Carla very much that’s why they settled down,” sambit pa ni Rey.