Revival King Jojo Mendrez, aminadong naging stalker ni Sharon Cuneta

ADVERTISING

Revival King Jojo Mendrez, aminadong naging stalker ni Sharon Cuneta

Revival King Jojo Mendrez, aminadong naging stalker ni Sharon Cuneta
Jojo Mendrez

ISANG avid fan ni Sharon Cuneta ang tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez. Very memorable daw sa kanya ang kantang Mr. DJ ni Sharon.

Aniya, “I began by joining singing contests in our province (Lucena, Quezon) Kinanta ko yung Mr. DJ na sikat na sikat na kanta noon ni Sharon at nanalo ako.”

Dumating din daw sa point na ini-stalk niya ang Megastar.

 “Oo, talagang naging stalker niya ako noon,” pag-amin pa niya.

ADVERTISING

“Pero nung nagkaroon na ako ng konting pera dahil sa real estate business nag-produce ako ng concert ni Sharon sa Quezon province. First time niya yon sa amin,” kuwento pa niya.

Naalala pa rin ni Jojo kung paano niya sinundan-sundan noon si Sharon.

“Nagre-rent siya noon ng bahay sa Ayala, Alabang at para lagi ko siyang makita nag-rent din ako ng bahay on the same area.

“Everyday, dadan ako sa tapat ng bahay niya para maramdaman yung presence niya. Nung lumipat siya sa ibang bahay, sumunod din ako. I also rented a house nearby, only to find out na lumipat na pala uli si Sharon,” natatawa niyang kuwento.

Hanggang ngayon ay aminado si Jojo na idol pa rin niya si Sharon at dream daw niya na maka-duet ito someday.

“Walang kapalit si Sharonwala siyang kapantay!” hirit pa niya.

Samantala, kabilang sa mga kantang ni-revive ni Jojo para sa kanyang Star Music album ay ang Magkaibang Mundo (ni Jirah Lim),Sana (ni Tina Paner) na isang monster hit sa social media platform.

May version din si Jojo ng kantang Handog ni Florante at ngayon ay tinatapos na niya ang sariling interpretasyon niya ng Dito na unang pinasikat ni Pops Fernandez.

On October, magkakaroon ng major concert si Jojo sa Resorts World Manila.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING