Reunion movie nina Richard Gutierrez at Angel Locsin, hindi na matutuloy?

ADVERTISING
Reunion movie nina Richard Gutierrez at Angel Locsin, hindi na matutuloy?
Angel Locsin and Richard Gutierrez

EARLY this year ay bongga ang hype sa reunion movie ng dating pinakasikat na stars ng GMA-7 na itinuturing pa nga na Hari at Reyna ng Kapuso network na sina Richard Gutierrez at Angel Locsin.

Noon ay nagsama ang dalawa sa ilang box-office romantic films tulad ng Let The Love Begin, I Will Always Love You, Mulawin the Movie and The Promise. Naantala ang pagiging power onscreen couple ng dalawa nang magdesisyong lumipat si Angel Locsin sa ABS-CBN.

ADVERTISING

Ngayong taon ay nagsama sina Richard at Angel sa ‘La Luna Sangre’, na naging highlight din ng KathNiel fantasy series. Bago pa man na-confirm na magkakaroon ng mga eksena na magkasama ang ‘ChardGel’ ay nagkaroon na rin ng announcement na magsasama ang dalawa sa isang Star Cinema movie. Bonus pa na ka-triangle nila ang isa pang talented actress na si Angelica Panganiban. 

Pero ano na ang nangyari? Lumabas na si Angelica Panganiban with Carlo Aquino sa Exes Baggage na hit sa takilya at marami na rin na-produce na movies ang Star Cinema. Pati ang Black Sheep at IWant Originals ay umaarangkada sa projects. Pero nasaan na ang Richard-Angel reunion movie? 

How true na umatras na raw si Angelica Panganiban sa proyekto? Does this mean na cancelled na?

ADVERTISING

Sana ay maglabas na ng balita tungkol sa promising reunion na ito dahil maraming fans ang nabitin. Kaloka!

ADVERTISING