RETRO KING: James Reid nag-ala Mr. Suave sa music video ng ‘Hello’

TWO MONTHS ago ay inilabas ni James Reid sa iba’t ibang streaming platforms ang kanta niyang ‘Hello‘. Nag-demand ang fans na gumawa ito ng music video kaya ito naman ang ibinigay ng Careless Music founder!

Kakaibang James Reid ang mapapanood sa music video na idinirek at inedit ni Gab Valenciano. Nag-ala Mr. Suave ang binata na may nakakakiliting bigote ay may mga dance moves na pang-tito. Vhong Navarro who?! We only know James Reid! Ha-ha-ha!

RETRO KING: James Reid nag-ala Mr. Suave sa music video ng 'Hello'
James Reid

Kung gagawa man ng remake ng Mr. Suave, swak nang gumanap dito si James Reid. Maliban sa mga obvious product placements ay aliw na aliw na kami sa music video na ito. Malakas din maka-LSS o Last Song Syndrome. Agad naman itong nagtrending kaya naman hindi maikakaila na malakas pa rin ang hatak ni James sa fans – even without his ex-girlfriend’s presence.

May love letter din si James Reid sa kanyang mga fans, na mababasa sa caption ng ‘Hello’ music video.

“Having spent a lot of my time by myself during the quarantine, I’ve learned to dive into the depths of PERSONAL INTROSPECTION. It’s truly beautiful knowing and experiencing TRUE GROWTH — a growth that’s only birthed within,”

“Our minds are infinite in so many ways, and learning how to tap into that is ULTIMATE FREEDOM. I’ve learned how to translate that to my everyday actions and now I’m 100% always driven to achieve MY GOALS so that the universe can be a BETTER PLACE,” saad pa niya.

Aminado naman si James Reid na pinili nitong magconcentrate muna sa kanyang music label na Careless Music dahil gusto niya ng creative control. Maayos ang kanyang pagkalas sa dati niyang management team at ngayo’y unti-unti na niyang nilalabas ang mga likhang nagawa habang naka-lockdown.

Kung tama ang aming pagkaalala, ang huling pelikula ni James ay ang ‘Miss Granny’ kung saan gumanap siya bilang apo ni Sarah Geronimo. Matagal-tagal na rin ito at hanggang ngayon ay patiently waiting pa rin ang kanyang fans sa kanyang next movie or TV project.

Dapat sana ay gagawin niya ang isang teleserye kasama ang Momoland member na si Nancy McDonie, pero ang huling rinig namin ay hindi na raw si James ang makakapareha ng KPop star.

Kung kayo ay bored na sa bahay, gayahin ninyo ang mga pinaggagagawa ni James ‘Mr. Suave’ Reid sa Hello MV!