Retokadong mukha ni Xander Ford, bibigyan ng chance na ipareha kay Miles Ocampo

ADVERTISING

Retokadong mukha ni Xander Ford, bibigyan ng chance na ipareha kay Miles Ocampo

Retokadong mukha ni Xander Ford, bibigyan ng chance na ipareha kay Miles Ocampo
MILES OCAMPO

NGUMITI LANG si Miles Ocampo nang biruin siya ng mga entertainment writers na dumalo sa premiere night ng pelikula nilang ”The Debutantes” last night tungkol sa bagong mukha na pagaari nitong si Xander Ford.

ADVERTISING
 
Nagsimula kasi mapagusapan itong si Xander na minsan ay nag-guest sa sitcom nina Miles at John Lloyd Cruz na “Home Sweetie Home” as a “manliligaw” ng dalaga.
 
Yes, umeksena si Xander na kilala as Marlou Arizala noon na ang mukha gawa niya na hindi pa retokado na nag-undergo sa isang cosmetic surgery ay naging 360% turn around ang nangyaring pagbabago na from an ordinary guy na hindi mo lilingunin, this time ay viral ang bagong fez nito na ang sabi ay pwede na ihanay kina Daniel Padilla, Enrique Gil or even Edward Barber (Wow!)
 
Si Miles, positibo para sa kanya kung ano man ang pisikal na pagbabago ni Xander. “Siya po yun. Hoping na tama ang naging decision niya,” sabi nito.
 
Retokadong mukha ni Xander Ford, bibigyan ng chance na ipareha kay Miles Ocampo
Marlou to Xander Ford
 
Ang latest balita nga ngayon na ang lalaking naging viral ang “mukhang hiram or mukhang fake” ni Xander ay bibigyan ng regular guesting sa sitcom ng Kapamilya Network at ipapareha kay Miles.
 
Sa mga hindi nakakaalam, kung susumahin ang cost ng pagreretoke ng mukha ni Marlou para maging isang Xander Ford na pinagkakaguluhan ngayon will cost around P465, 800.   
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING