Respetadong magdyowa, ayaw paawat sa PDA!

ADVERTISING

PITIK-BULAG! SINO siya? Sino itong magdyowang ito na nakakaloka talaga?

May nag-chikka sa amin na talaga namang napaka-PDA nitong magdyowang ito, at naloloka ang buong staff sa isang network, dahil ayaw talagang magpaawat ng dalawa. Sa dressing room pa lang daw, naglalapangan na ang dalawa at walang puwedeng sumita sa kanila.

ADVERTISING

Pero kung ganu’ng eksena naman, dapat magpaawat naman sila, kasi respetado ang dalawang magdyowang ito. Kaya ‘pag pinagpatuloy nila ito, baka mawalan ng career ang merlat.

Clue: Ito ang nagsabi na kung wala raw siya ay hindi sisikat si Pokwang… hahaha! Sa dyowa namang merlat… ooops, ‘wag muna… hahaha!

(By Tita Swarding)

ADVERTISING
ADVERTISING