Respetadong aktres, palihim na tinatanggihang makasama ng isang respetadong aktres dahil sa selos!

PAREHONG SUMIKAT ang mga aktres na itago natin sa mga pangalang Ruby Santos at Sunshine Valera sa panahon ng kanilang kabataan, hanggang sa ngayon na itinuturing na silang kapita-pitagan sa mundo ng aliwan. Iyon ay sa dahilang hindi matatawaran ang naiambag nilang talento sa mundong ito ng mga artista. Marami ang nagnanais na pagsamahin sa proyekto ang nabanggit na mga aktres, pero hindi sila pupuwedeng pagsamahin.

Walang problema kay Sunshine kung magkasama sila ni Ruby sa isang project. Parang si Ruby ang may problema, dahil kahit kailan ay wala siyang ipinapahayag na pagnanais na makasama niya sa anumang proyekto si Shine. Magaling lang kasi silang pareho magdala, pero ang totoo ay para nga silang langis at tubig na hindi puwedeng pagsamahin. Kung bakit ay sa dahilang alam kasi ni Ruby, na ang husband niya at sikat na aktor na si Patrick Ferrer ay sobrang nagkagusto kay Sunshine.

Dalawang beses nagkasama sa pelikula bilang magkapareha sina Sunshine at Patrick. Makarisma sa mga kalalakihan ang ganda ni Shine, dahil bukod sa maganda ay malaki ang agwat ng edad niya kumpara kay Ruby. Ligawin kasi ng mga lalaking may edad na si Shine. Mataas ang respeto ni Shine kay Patrick, kaya kahit alam niyang dead na dead sa kanya ang Playboy na aktor ay hindi niya pinatulan. Dahil doon ay malaki ang selos ni Ruby kay Miss Valera. Kaya hanggang ngayon, hindi pa rin sila magkasama sa project. Palihim na tumatanggi at umaayaw si Ruby.

(By Melchor Bautista)

Previous articleAng Toll Hike ni Kap!
Next articleWagi sa Star Awards!

No posts to display