Respetadong aktres na may sweet image, mahilig pala sa alak at sigarilyo!

SHOCKED ANG isang tabloid editor sa hinahangaan niyang respetadong aktres. Hindi kasi raw niya akalaing kabaligtaran ng very sweet at disenteng image ng aktres ang totoong ugali at pagkatao nito.

Kliyente ng isang kilalang designer na kaibigan ng tabloid editor ang aktres na ito. At dahil alam ng designer na avid fan ng aktres ang tabloid editor, minsan ay niyaya raw ng designer ang editor na sumama sa bahay ng aktres.

Natiyempuhan nilang katuwaang nag-iinuman ang aktres at ang ilang kaibigang babae nito. Lasing na raw ang aktres na panay ang  buga ng usok sa hinihitit na sigarilyo.

Panay mura raw ang expression ng aktres habang nakikipagtsikahan sa kanyang mga amiga. At ang topic… puro kabastusan kaya sige ang kanilang halakhakan.

Naloka ang tabloid editor dahil ang pagkakaalam niya at maging ng sambayanan… hindi naninigarilyo at umiinom ang aktres. Napakapinong kumilos at magsalita sa harap ng kamera na parang hindi makabasag-pinggan. Tapos gano’n daw pala ito sa totohanan.

Nasisi pa tuloy ng editor ang designer na hindi na raw sana siya isinama sa bahay ng aktres. Biglang nawala raw kasi ang respeto at paghanga niya rito. ‘Yon na!

(By Ruben Marasigan)