Request ng Fans: Jennylyn Mercado at Gil Cuerva, bigyan ng pelikula!

ADVERTISING
Request ng Fans: Jennylyn Mercado at Gil Cuerva, bigyan ng pelikula!
Jennylyn Mercado and Gil Cuerva

HINDI MAN nila nalagpasan ang ratings ng katapat na programa, hindi naman naging kulelat ang kinahinatnan ng Philippine version ng My Love From The Star. Actually, marami ang bumilib sa oozing chemistry ni Jennylyn Mercado sa kanyang bago at younger partner na si Gil Cuerva.

Siguro ay nagsawa na rin ang mga tao sa usual na ka-loveteam ni Jennylyn na si Mark Herras kaya halos wala na kaming naririnig na clamour from the loyal MarkJen fans na pagsamahin ang dalawa. Malayo na ang agwat ng popularity and credibility ng dalawa in terms of acting. Napag-iwanan na ng hot momma ang kanyang ex.

ADVERTISING

Si Dennis Trillo naman ay kapares ni Jen kapag heavy drama at medyo sexy ang project. Ito rin ang leading man niya in real life.

Ang kay Gil Cuerva ay isang refreshing team-up at na-surpass naman ng baguhan ang expectations ng mga tao. Sa mga nambabash sa acting niya, tingin ko naman ay nakuha naman niya ang expected way ng mga gwapitong alien na kunwari walang feelings pero meron naman.

Maganda rin ang height ng actor/model, which is once again refreshing for Jennylyn fans dahil madalas ay ka-height lang niya or hindi masyadong katangkaran ang ipinapares sa kanya.

ADVERTISING

Playful din ang pagsasama ng dalawa na hindi mo mahahalata ang kanilang age gap. Kumbaga, when the role or story calls for it, Jen can play a younger character or Gil can portray an older role.

Konting workshop na lang ay pwede na rin sigurong isabak sa drama si Gil. Sa ngayon, romance-comedy ang forte niya.

May ilang JenGil fans nga ang nagsabi na saying, sana raw si Gil na lang ang ipinalit kay Jericho Rosales sa MMFF 2017 entry na ‘Almost is Never Enough’ na magsisilbing comeback ni Jennylyn sa Metro Manila Film Festival. Si Derek Ramsay ang final choice, na nakasama rin ni Jen sa English Only, Please.

Sana ay alagaan ng GMA-7 si Gil Cuerva dahil bihira lang sila magkaroon ng leading man na matangkad, noh! May fans na rin ang JenGil na hindi bots (proven sa views ng mga past JenGil articles dito sa Pinoy Parazzi) kaya hala, gawa na agad ng follow-up show! Huwag i-eject ‘yan!

ADVERTISING