Representative ng Pilipinas sa Mister Gay World 2016, malaki ang laban

ADVERTISING

Representative ng Pilipinas sa Mister Gay World 2016, malaki ang laban

Representative ng Pilipinas sa Mister Gay World 2016, malaki ang labanMalaki ang laban ng ating kandidato para sa gaganaping 8th Mister Gay World 2016 sa Malta sa April 23 na si Christian Laxamana. Bukod kasi sa mahusay nitong communication skills, guwapo at matalino ito.
Alay raw ni Christian, na 1st Runner-Up din ng ‘I am Pogay’ ng “It’s Showtime”, ang kanyang laban sa Mister Gay World 2016 para sa kanyang yumaong ina na namatay dahil sa breast cancer at gagawin daw nito ang kanyang makakayanan para mauwi ang titulo.
Grabeng paghahanda na raw ang  ginagawa ni Christian para sa nalalapit na pageant. Kaya naman daw labis-labis ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ng Mister Gay World Philippines, Inc. sa suportang ibinigay ng mga ito sa kanyang paglaban sa Malta.
Nakatakdang lumipad patungong Malta si Christian sa April 19 at mananatili sa nasabing bansa hanggang April 23 para sa nasabing pageant.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING