Reporters, nabuwisit kay Luis Manzano – Archie de Calma

ADVERTISING

Reporters, nabuwisit kay Luis Manzano – Archie de Calma

Reporters, nabuwisit kay Luis Manzano – Archie de CalmaJUST GOT (UN)LUCKY!: Marami ang naghintay kay Luis Manzano para sagutin ang tanong tungkol sa napa-balitang break-up nila ni Angel Locsin sa press conference ng In My Life ng Star Cinema na pinagbibidahan ng kanyang ina’ng si Ate Vi (Vilma Santos).

Actually, bago nagsimula ang press conference, nadaanan na namin sa isa sa mga dressing room ng ABS-CBN si Luis at sinisimulan na naming usisain sa nasabing isyu. Ang pangako niya, du’n na lang siya sasagot sa press conference.

At nang maupo na si Luis sa harap ng press, wala naman itong gustong i-komento sa iisipin mo na ngang hiwalayan nila ni Angel.

Ang paliwanag ni Luis, minsan na raw siyang nagsalita-sa SNN (Showbiz News Ngayon) and that’s it! Gusto lang niya, kung paano silang quietly na nagsimula ni Angel sa kanilang relasyon, eh, maiwan pa rin daw ang nasabing privacy nila lalo at meron silang pinagdadaanang kung anuman.

ADVERTISING

Lumitaw ang pangalan ng kontrobersyal na si Maricar Reyes na itinuturong third party raw sa relasyon nila ni Angel. Mariing pinabulaanan ito ni Luis. Makakasama lang daw sana niya sa Flash Bomba si Maricar at ‘yun lang daw ang natatandaan niyang pwedeng ikabit sa pangalan niya. Wala raw ibang tao sa gitna ng relasyon nila ni Angel. Nang umalis daw ito, eh, nagkakausap pa rin naman sila at hindi naman tuluyang naputol ang communication nila.

May nabuwisit na ngang reporter kay Luis that night. Kasi, turo siya nang turo sa kung kanino siya nagpa-interbyu regarding the issue. Sana raw kung wala talagang isasagot, isang malutong na no comment na lang daw sana ang sinabi nito at hindi pinaiikot-ikot pa ang mga kaharap niya.

ANNE-AFFECTED!: MERON ding nagtanong kay Anne Curtis sa press conference ng The Wedding at launching niya as endorser ng FernSlim kung binabalikan ba siya ni Luis Manzano at kung may alam ba ito sa nangyayari sa aktor at sa girlfriend na si Angel Locsin.

Simple lang ang sagot ni Anne: “I like Angel. And Manzano is my very best friend. Pero wala akong alam kung may problema nga sila and we’ve never talked about it. At saka out naman ako sa kung anuman meron sila. Nakaka-sad to hear if it were true. But that is just between them.”

Marami pa rin ang gustong malaman if there is a chance naman na magkabalikan din sila ni Sam Milby.

“Ano ba ‘yan? Right now, I’m just happy accepting the blessings that are coming my way. Pero, hindi ko naman kaaway ang mga nagiging ex ko. I still wish them well.

Patuloy lang si Anne sa pagme-maintain ng kanyang kaseksihan at kagandahan.

Dumating si Anne sa press conference na lace lang ang suot na nakapatong sa bra’ng suot.

“It’s uso naman, eh. I just wanna feel great!”

UN-RECOGNIZED?: AKALA ko manager na ang aming good friend na si Fanny Serrano sa text niya sa akin about Brillante Mendoza: “Internationally acclaimed and award-winning filmmaker Brillante Mendoza (2009 Cannes Film Festival Best Director) is now in town and you can avail of his services as director and creative consultant for any infomercials, AVP and the likes. You can reach him at 0917-5369465, or at brillante_ma@yahoo.com/ www.brillantemendoza.com.”

Hinihikayat daw niya si Mendoza na mag-hanap-buhay na uli dito sa ‘Pinas. Malay raw natin, baka ang gawan pa niya ng infomercial na pulitiko, eh, maging best actor pa. Gano’n?

Calm Ever
Archie de Calma

ADVERTISING