Renz Fernandez, pinabulaanan ang balitang nagtangkang magpakamatay sa kulungan si Mark Anthony Fernandez

ADVERTISING

Renz Fernandez, pinabulaanan ang balitang nagtangkang magpakamatay sa kulungan si Mark Anthony Fernandez

Renz Fernandez and Mark Anthony Fernandez
Renz Fernandez and Mark Anthony Fernandez

Nagtataka lang ako kung paano kumalat ang kuwento sa social media na diumano’y nagtangka raw magpakamatay si Mark Anthony Fernandez two weekends ago, kung saan nakulong ang aktor nang mahuli itong may dala diumanong isang kilo ng Marijuana.

ADVERTISING

Kumalat ang kuwento, pero walang kumpirmasyon tungkol sa pangyayari. Nabasa namin, ayon sa isang unverified report, na nakita diumano si Mark na naka-benda ang isang wrist (pulso), na tuloy, tila may katotohanan ang kumalat na kuwento na nagtangka nga ito sa kanyang buhay gamit ang isang gunting, na pinabulaanan naman na kung may nakabenda man sa kanyang wrist ay dahil diumano sa paglalaro nito ng basketball together with other inmates.

Ayon sa kapatid niyang si Renz Fernandez (anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino) na recently ay dumalaw sa kanyang Kuya Mark sa kulungan, nalulungkot diumanosi Mark.

Nasaksihan mismo ni Renz ang kondisyon ng kapatid na nakakulong nang mag-taping sila sa lugar malapit sa kulungan ni Mark.

ADVERTISING

Sa panayam kay Renz, humihingi siya ng dispensa na hindi niya maikuwento ang mga detalye kung ano ang iba pang updates tungkol sa buhay-kulungan ng nakatatandang kapatid. Magagalit daw kasi ang abogado na may hawak sa kaso. Hindi niya puwedeng i-discuss ang detalye based sa mga bagong impormasyon sa kaso.

Pero paniguro niya sa kanyang Kuya Mark, nandirito lang sila na pamilya niya na all-out ang suporta sa kanya. Panalangin nga ni Renz, makalaya na ang kapatid at malampasan na nito ang ganitong klase ng pagsubok.

Dagdag pa ng aktor na kasama sa isang bagong TV series na “OJT”, “Sabi niya sa akin, tulungan ko raw siya, ipagdasal ko raw siya. Tapos, sabi ko sa kanya, ‘Huwag siyang susuko dahil malalagpasan niya ‘yan’.”

Kung saan man hahantong ang kasong ito ni Mark Anthony, maghintay na lang tayo at sana ay maging favorable ang desisyon ng korte sa aktor, kung wala talaga ito kasalanan.

Sa bagong TV series, makasasama ni Renz sina Arjo Atayde, Bela Padilla, Ria Atayde, Christopher de Leon, at marami pang iba, sa direksyon ni Erik Matti.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING