Renz Fernandez, kaya nang makipagsabayan sa kuyang si Mark Anthony

ADVERTISING

Renz Fernandez, kaya nang makipagsabayan sa kuyang si Mark Anthony

Renz Fernandez, kaya nang makipagsabayan sa kuyang si Mark AnthonyIN FAIRNESS, ang daming pumuri kay Renz Fernandez na nag-guest sa

Magpakailanman nu’ng nakaraang Sabado kasama ang kuya niyang si Mark Anthony Fernandez.

Katatapos lang ng kontrata ni Renz sa ABS-CBN 2 kaya tinanggap na niya ang guesting na ‘yun sa GMA 7.

Nag-enjoy itong binatang anak ni Lorna Tolentino dahil kasama pa niya ang Kuya Mark niya at napaarte siya nang husto.

ADVERTISING

Bongga nga raw ang guesting niyang ‘yun na dinirek ni Adolf Alix, dahil binigyan daw talaga ito ng acting coach para magampanan niya nang maayos ang role na binigay sa kanya.

Medyo mabigat kasi ang role na ginampanan nila ni Mark kaya kailangang mapaarte nang maayos.

In fairness naman kay Renz, nabigay niya nang maayos ang role na iyun at pinuri siya ha!

Tingin ko magkakainteres ang GMA-7 sa kanya para maging Kapuso artist na siya. Type naman ni Lorna ‘yun.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING