Renz Fernandez, handang damayan ang Kuya Mark Anthony sa pinagdaraanan

Renz Fernandez, handang damayan ang Kuya Mark Anthony sa pinagdaraanan

Renz-Fernandez-Mark-Anthony-FernandezGUSTO NI Renz Fernandez na makausap ang kapatid sa ama na si Mark Anthony Fernandez para alamin ang kalagayan nito.

Ang tagal daw hinanap ni Renz ang contact number ni Mark at nahingi or nakuha pa nga raw nito ang number sa isang talent coordinator na siyang kumontak sa kanyang kuya Mark para sa teleserye na Let The Love Begin.

Hindi naman itinatwa ni Renz na aware siya sa pinagdaraanang problema ngayon ng kapatid at gusto niyang tulungan ito.

Ayon kay Renz, matagal na raw silang hindi nagkakausap ni Mark at paiba-iba raw ito ng contact number kaya hindi niya ito makontak. Mabuti na lang may ilan tao na alam ang bagong contact number ni Mark at kaagad itong tinawagan ni Renz.

“Nag-text na ako kay Kuya Mark at sumagot naman siya. He’s doing fine naman daw. Worried kasi ako para sa kanya kasi he’s now living alone sa Pampanga. Nagulat talaga ako noong maghiwalay sila ni Ate Melissa. They just had a new baby tapos biglang nabalitaan ko na hiwalay na pala sila.

“Hopefully magkita naman kami ni Kuya Mark para kung anuman ang kailangan niya, a shoulder to cry on, or kahit financially, matutulungan ko siya. Magkapatid kami at gusto kong makatulong sa kanya,” say pa ni Renz.

Isa rin si Renz sa nakasama sa acting workshop ng GMA Artist Center na ang nag-facilitate nga ay si Direk Laurice Guillen.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo