Renz Fernandez, ‘di napapagalitan ni Direk Gina Alajar sa set serye

ADVERTISING

Renz Fernandez, ‘di napapagalitan ni Direk Gina Alajar sa set serye

Renz-FernandezKASAMA SA cast ng Yagit si Renz Fernandez na dinirek ni Gina Alajar. Sabi ni Renz, kahit na raw inabot ng walong buwan bago siya muling nabigyan ng bagong teleserye ng GMA 7, hindi raw siya nainip. Huli niyang serye ay Prinsesa ng Buhay, Ko kung saan nakasama niya sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Wala raw naging problema sa kanya kahit matagal bago siya nagkaroon uli ng serye dahil nagkaroon naman siya ng mga guesting sa iba’t ibang shows at nakakasama siya sa ibang regional showz ng Kapuso Network.

“Siguro naghanap lang sila ng role na babagay sa akin. Thankful ako for being part of the cast of Yagit at ang director nito na si Direk Gina Alajar ay ninang ko. Kaya may favoritism. Ako lang ang hindi niya pinagagalitan sa set,” tawa ni Renz.

Tungkol naman sa isyu ng ex-girlfriend niya na si Maxene Magalona na lumipat na sa ABS-CBN.

ADVERTISING

“Wala na kaming communication ni Maxene. After nang maghiwalay kami, hindi na kami nagkakausap. Mas nakakausap ko pa ‘yung brother niya na si Frank na kasama ko rin sa Yagit.

“‘Yung paglipat niya, nabalitaan ko na lang from somebody. I wish her well. Kung sa ibang network siya maging masaya, then I am happy for her as well,” pagtatapos ng binatang anak nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING