Renz Fernandez, crush si Sanya Lopez

ADVERTISING

Renz Fernandez, crush si Sanya Lopez

Renz Fernandez, crush si Sanya Lopez
Renz Fernandez

CRUSH ng guwapong si Renz Fernandez ang sexy na si Sanya Lopez.

ADVERTISING

Inamin ito ng aktor during the media conference ng bagong aksyonserye na Cain at Abel na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa GMA Kapuso Network na napapanood pagkatapos ng 24 Oras news program na nagsimula na last night.

”Iba ang ganda niya,” pagmamalaki pa na banggit ng aktor. Malakas ang sex appeal ni Sanya, ayon kay Renz.

“Simple lang siya. Yong tipo ng beauty ni Sanya iba. Yong mga ganun type ng babae na simple lang ang gusto ko. Yung beauty niya na pag dumaan siya, lilingunin mo talaga. Iba kasi ang appeal meron siya,” pagmamalaki pa ni Renz sa beauty ng dalaga.

ADVERTISING

The fact na “single” ang status ng dalaga, kung may pagkakataon ay liligawan ni Renz si Sanya.

Gusto ni Renz na mas makilala ng husto ang dalaga na very much single.

Sa pagkakaalam ko, NBSB (No Boyfriend Since Birth) ang dalaga na until now, pihikan ito sa mapipiling “boyfriend” for the first time kung sakali.

Renz Fernandez, crush si Sanya Lopez
Sanya Lopez

Pero dahil gusto ni Renz si Sanya, malamang sa hindi ay pagtitiyagaan ng binata na manligaw ito sa dalaga.

Sayang nga lang, sa bagong aksyon serye na kinabibilangan nina Renz at Sanya, isang eksena lang sila. (who knows at baka madagdagan) na pag nagkataon ay lalong ma-develop ang dalawa.

Matagal na walang karelasyon si Renz na ang huli ay hindi naman tumagal ang lovelife nila ng non-showbiz girlfiend niya.

Pakiwari nga ng binata: “Minsan feeling ko inaayawan na ako ng mga babae!”

Pero optimistic pa rin si Renz sa estado ng buhay pag-ibig niya: “Hindi ko pa lang siguro nahahanap yung girl na para sa akin.”

Sa Cain at Abel, Renz plays the role of Louie, the good cop sa aksyonserye directed by Don Michael Perez at Mark Reyes

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING