Relasyong Ruffa-John Lloyd, lumilinaw na!

ADVERTISING

Relasyong Ruffa-John Lloyd, lumilinaw na!Relasyong Ruffa-John Lloyd, lumilinaw na!WALANG PINAMILIAN SI Ruffa Gutierrez kundi ang aminin na sila nga ni John Lloyd Cruz ang nakunan ng litrato na papasok sa isang hotel sa Amerika na naging headline pa ng pahayagang ito kamakailan.

Pero nilinaw ni Ruffa na ihinatid lang niya du’n ang aktor, saka nag-dinner sila, bukod du’n ay wala na. Pero ayon naman sa kampo ng aktor, nu’ng Mayo pa ay karelasyon na ni JLC ang aktres-TV host, may unawaan na sila. Katatapos lang mag-break noon nina John Lloyd at Liz Uy.

ADVERTISING

Ngayon, hindi na magtatanong pa ang marami tungkol sa totoo nilang relasyon. Hindi man sinasadya ay nasasagot nang isa-isa nina Ruffa at JLC kung ano ang tunay na relasyong namamagitan sa kanila.

Libre naman si John Lloyd, tapos na ang relasyon nila ni Liz. Si Ruffa naman, isinasaayos na ang nakaraan nilang relasyon ni Yilmaz Bektas para masabing libre na rin itong makipagrelasyon sa iba.

Nasa wastong edad na silang pareho para malaman kung ano ang tama at mali. Matatalino naman sina Ruffa at JLC, alam nila kung ano ang kanilang pinasok.

ADVERTISING

Ang tanong, ngayong unti-uni nang naglalabasan ang mga impormasyon tungkol sa namamagitan kina John Lloyd at Ruffa, kumontra pa rin kaya ang ina ni Ruffa sa kanila?

Nu’ng nakaraang selebrasyon ng kaarawan ni Ruffa, meron itong sinabi bago hinipan ang kanyang birthday cake, “Mommy, hindi na ako bata na tulad nina Lorin at Venice. May sariling isip na ako.”

Read another Cristy Fermin article for this issue: Fans ni Sarah Geronimo, OA na!

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

ADVERTISING