Relasyong Luis Manzano-Jennylyn Mercado, pinagtataasan ng kilay!

ADVERTISING

Relasyong Luis Manzano-Jennylyn Mercado, pinagtataasan ng kilay!

Relasyong Luis Manzano-Jennylyn Mercado, pinagtataasan ng kilay!MARAMI ANG NAGTATAAS ng kilay sa patuloy raw na pagde-deny nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado sa kanilang relasyon gayong very obvious naman daw na sila nang dalawa. Kamakailan nga kasi ay lumabas ang balita na “love” daw ang word of endearment nina Jen at Luis at balita ring madalas pinagluluto raw ng Tv host/actor ng pasta si Jen na paborito naman daw nito.

Sa naglabasang balita, lalo tuloy tumibay ang hinala ng iba na nagde-deny lang talaga ang dalawa sa kanilang relasyon at sa ‘di malamang rason ay ayaw lang ng mga itong umamin.

Agad naman naming hiningan ng reaksyon tungkol dito si Luis at ayon sa actor, wala silang aaminin dahil hindi pa naman silang dalawa talaga ni Jennylyn. Pinapili pa kami ni Luis kung ano ba ang gusto ng mga tao, ang manloko sila at amining sila na gayong ‘di pa naman, o sabihing

hindi pa talaga sila dahil ‘yun ang totoo?

ADVERTISING

‘Di naman itinago sa amin na ang layunin naman talaga ay mauwi sa totohanang relasyon ang panunuyo niya sa aktres at sa magandang nangyayari ay mukhang pormalidad na lang naman talaga ang kulang sa kanila.

Sa isyung love daw ang word of endearment nila sa isa’t isa, hindi naman idenenay sa amin ni Luis na mula sa mat na galing sa rappling mats dahil sa Muay Thai sila naging close ni Jen ay love na talaga ang tawagan nila sa isa’t isa.

Pinaliwanag naman sa amin ng aktor na sobrang espesyal at malapit talaga sa puso niya ang aktres kung kaya’t wala siyang nakikitang masama kung ito man ang tawag nila sa isa’t isa.

Sa balita naman na ipinagluluto niya raw ng pasta si Jen, inamin naman ni Luis na minsang nagpa-party siya sa bahay ay nagluto siya ng chorizo pasta para sa aktres at sa mga imibitadong mga kaibigan.

Klinaro rin sa amin na hindi siya nagseselos kay Patrick Garcia, ama ni Baby Jazz, kung maganda man ang relasyon nila Jen at Patrick ngayon bilang mga magulang ng bata at bukas lagi ang komunikasyon nila. Para kay Luis, isa itong bagay na hindi niya puwedeng panghimasukan at sobrang nirerespeto niya.

 

SA INTERVIEW NAMIN kay John Lloyd Cruz sa nakaraang concert ni Toni Gonzaga sa Araneta Coliseum, kung saan isa ang aktor sa special guest dito, agad namin siyang tinanong kung may gagawin ba siyang teleserye lalo’t after Imortal ay ‘di na rin siya gaanong napapanood ng tao sa telebisyon.

Twice a month na lang napapanood sa ASAP Rocks at huling nag-guest sa 100 days, ayon sa aktor ay may nakalinya naman siyang gawin sa Kapamilya Network pero ‘di pa ito klaro kung kailan talaga sisimulan.

Ayon pa sa actor, baka mag-overlap nga ito sa pelikulang ginagawa nila sa ngayon ni Angel Locsin under Star Cinema. Alam naming sanay sa sunud-sunod na trabaho ang mahusay na aktor, mahal niya ang pag-arte kung kaya’t hinahanap na rin nito ang paggawa ng serye kung saan lalo siyang nahahasa sa pagganap.

Abala si John Lloyd sa mga bagong ieendorso at sa kauna-u-nahang pelikula na pagtatambalan nila ni Angel, kung saan naikuwento niya sa amin na may ilang revisions na ginawa sa script ng nasabing pelikula.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING